Chapter 09

41 2 0
                                        

Pagkauwi ko sa bahay, ibinagsak ko ang katawan sa kama ko at napabugha ng hangin. Ngumiti ako sa sarili..




You can do this, Deborah.. You can do this..





Nagpahinga muna ako ng kaonti bago ako pumunta sa banyo para mag-half-bath. Si Endrich ay hindi pa daw uuwi muna dito dahil gusto niyang bantayan ang mga kapatid niya kahit ngayon lang. Lalo na't nalaman niya na hindi maganda ang ginagawa ng mga ito. 






Pagkababa ko ay inasikaso ko yung mga documents at binasa na ang mga sulat ng magkakapatid. Inuna ko muna ang kay Enchants.





'I don't want to do this but that creepy lady is scaring me! Grr! First of, I hate her. Second, I don't like her. Third, she's beautiful yet, annoying....'






Napatawa ako ng mahina at binasa pa ang sunod non..






'My life? For being a 10 years old , too hard.. Especially, this coming school year.. You're asking, why? Because my mother and father doesn't always active on school events.. Like, family day.. They are busy, minding their own businesses and also my baby brother, Edrin..'





Bumuntong-hininga ako dahil doon. Lahat sila ay pare-pareho. Sa una ay sinasabi nilang ayaw at galit sila sa'kin pero ikinatatawa ko lang 'yon.. Pero lahat sila ay may iba't ibang problema..






Si Rosita ay may problema sa pag-aaral niya nitong nakaraang taon at hindi iyon alam nila Mommy Rovavie dahil ang alam ng mga ito ay iniintindi ito ng tutors.. 






Si Rivalie.. Hindi madali sakaniya ang pagpili ng pagkain. Picky eater siya pero pinipilit ng iba niyang yaya na pakainin siya ng mga gulay.. Hindi siya marunong kumain ng kung ano-ano..





Entering The Wrong DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon