Chapter 27

24 2 0
                                    

Napakunot ko ang noo nang tumama sa mukha ko ang liwanag na alam kong nanggagaling sa labas.. Dahan-dahan kong naimulat ang mga mata at napapikit pang muli nang makatitigan ko ang sinag ng araw.. 




Napangiti ako ng tipid at aktong tatayo nang kusa akong mapahiga dahil kumurot ang balakang, mga hita at pribadong bahagi ng katawan ko. Napapikit ako at napaungot ng mahina.. "T-that's aww.."bulong ko at tumingin sa gilid ko.. 




Napatigil ako nang makita si Endrich na natutulog. Nakadapa siya habang yakap-yakap ang isang unan. Himbing na himbing at nakahubad pa.. Napatigil ako lalo at dahan-dahang tumingin sa loob ng kumot.. Napasinghap ako at napahawak sa bibig ko.. 




"Oh, God.."bulong ko at napasapo ang noo.."Did we just... have..."




Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi.. Napahawak ako sa ulo at napatingin nanaman kay Endrich na tulog parin.. 




"This can't be.."iling ko at napalunok.. "This isn't right, t-this.. Oh, God!"




I felt something burning on my face and I know what is it.. It's not because of the sun! It's because of that blushing thingy! I can't believe this! 




Napanguso ako nang marinig at manumbalik sa pandinig ko ang mga pinagsasabi ko kagabi habang ginagawa namin 'yon.. Napahawak ako sa tenga ko at umiling-iling.. 




"Momma, forgive me, okay?"




Huminga ako ng malalim at tumitig na lang kay Endrich.. Napangiti ako ng tipid at sinuklay ang malambot niyang buhok saka ako nanahimik.. 




Bawat paghinga niya ay lumalabas din ang mabango niyang hininga na hindi ko alam kung bakit meron parin siya.. Napatango ako sa sarili at dahan-dahang tumayo.. Kahit napapaupo ay pinilit kong pumasok sa banyo at nagset ng warm bath saka ko binabad ang sarili.. 




Medyo nawala ang kirot sa katawan ko.. Buti na lang dahil baka hindi ako makalakad ng maayos bukas, bukas pa naman ang pasok ulit sa school. 




Matapos kong maligo ay nagbihis na lang ako ng Rib Knit Tank Top na kulay baby pink at cotton sweat pants na pink and white.. Nakaladlad lang din ang buhok ko dahil ayaw kong magtali, maaga pa naman.. 

Entering The Wrong DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon