Chapter 36

40 2 0
                                        

"H-hindi ko alam.."iling ko kay Mervin."H-hindi ko alam na gan'yan y-yung nararamdaman n-niyo.. A-ang akala ko kasi, sa inyo lang mabait si Gorga.."






"Simula una palang, wala na siya sa'min.. Walang-wala. Hindi ko kasi talaga maintindihan si Kuya, eh.. Bakit ka ba kasi niya niloko? B-bakit hindi niya naisip na mas piliin ka..."naputol na niya ang sasabihin niya nang tuluyan na siyang mapahikbi.







Agad kong kinuha ang batok niya at niyakap siya.. Mas lumakas ang paghikbi niya na ikinapikit ko.. Kahit naman wala ng namamagitan sa'min ni Marvin ay nasasaktan parin naman ako kapag umiiyak sila Mervin na tinuring ko ng mga kapatid ko..






Buong-buhay ko, wala pa akong naging kapatid dahil nag-iisa lang akong anak ni Daddy.. Hindi rin madalas kung umuwi sila Kuya Semester sa Silva House noon kaya palagi akong mag-isa.. Kung hindi ko nakilala si Marvin, siguro hindi ko din mararamdaman na may mga kapatid ako..






"Tama na, 'wag ka ng umiyak.. Sige na, tama na.."pagpapatahan ko at tinapik-tapik ang likod niya,"I'm sorry.. I'm sorry,"







After nilang tumahan na magkakapatid at pinagkrus ko na ang mga braso.."Tell me, nag-inom ba kayo?"seryoso kong tanong..






Nagsi-iwas sila ng tingin at hindi ako sinagot..






"Ah.. Bakit?"tanong ko.."Hmm? Matapos nila,"turo ko sa limang magkakapatid na tahimik lang.."..kayo naman?"






Nakita ko ang pagkamot sa batok ni Mervin at napanguso.."Si Gorga ang may pasimuno. Umiwas na ako noon dahil sabi mo hindi maganda sa kalusugan.. Ang galing lang mag-manipulate."





Entering The Wrong DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon