Nakalipas ang ilang bwan.. Marami ding nangyari sa buhay namin ni Endrich.. Like, nagkaroon kami ng christmas party dito sa bahay with families.. Sila Zoshia at yung mga bata naman ay tuwang-tuwa dahil lumaki na ang t'yan ko. Ang cute lang kasi nila.
I can imagine sakanila yung magiging baby ko kapag lumaki-laki na siya, hehehe!
"Ang Kuya Endrich mo, Zoshia?"tanong ko kay Zoshia nang makababa ako sa sala..
Actually, buong araw akong nasa loob ng kwarto namin ni Endrich. Paminsan-minsan ay nasa graden ako o 'di kaya nasa sala dahil madalas kung dalawin ako nila Mommy or nila Lolo..
"Ay, hindi ko pa po siya nakita.. Wala pa po ba sa taas?"
Umiling ako,"Wala pa, eh.."agad kong sabi at tumingin kay Ate Clara na dali-dali na umakyat sa hagdan para alalayan ako.."Ate, nakita mo na ba si Endrich?"
Umiling din siya.."Hindi pa, eh.. Sinubukan mo na ba siyang tawagan?"
"Mm.. Pero hindi niya sinasagot.. Hindi naman siya gano'n. Kahit busy 'yon, sasagutin niya parin kapag tumatawag ako."
"Eh, baka naman kasi nasa meeting.. Hayaan mo na."
"Namimiss ko na kasi siya, eh."
Napatawa si Ate Clara,"Pinaglilihian mo parin si Endrich, 'no?"
"Am I?"
"Oo.. Kahit iilang oras palang kayong hindi nagkikita, sabik ka na kung makita siya.. Madalas ay napapansin ko na palagi kang sumusunod sakaniya kaya hindi na ako magtataka kung magiging kamukha siya ng anak mo.."
BINABASA MO ANG
Entering The Wrong Door
RomansaDeborah Vienn Silva, the woman from a rich family is forced to be reunited with a man she has never met and still knows .. but because of her love for a man, she was able to disobey her beloved grandfather for the first time .. She married the man s...