"Ma'am, bakit po inaalis yung mga gamit niyo?? Lilipat po kayo ng kwarto?"tanong ni Zoshia nang mapansin na inaalis ng mga security guards ang mga gamit ko sa kwarto..
"Ah, yes.."
"Gano'n po? Eh, saan naman po kayo matutulog?"
"Magsasama na kami sa iisang kwarto."napalingon kami kay Endrich nang sumingit siya. Nakasuot siya ng gray na t-shirt at white pajamas at puting tsinelas.. May nakapatong na puting bimpo sa batok niya at halatang kaliligo lang..
"T-talaga po?!"agad na tili ni Zoshia at sinundot ang bewang ko,"Yie, si Ma'am! Kilegin!"
"Tigilan mo 'ko, Zoshia.. Ang sabi kasi ni Kuya Endrich mo, dapat daw magsama na kami sa iisang kwarto para tipid sa koryente.."
Napatawa si Endrich at inakbayan si Zoshia.."'Wag kang maniwala d'yan, Zoshia. Siya yung nagpumilit na magtabi kami sa iisang kama.."
Agad ko siyang inambahan,"Ikaw! Ang dami-dami mong tinuturo na kalokohan d'yan sa bata, kaya namamana 'yang pag-uugali mo.. At ako pa ang pumilit sa'yo, ha? For your information, ikaw ang nag-suggest non na kesyo kailangan na magtipid.. Psh!"
"Eh, ikaw nga 'tong selos na selos kay Gorga.. Aminin mo na lang, may feelings ka na para sa'kin.."ngisi niya at kinindatan pa 'ko na ikinasimangot ko..
"Ang kapal mo.. Doon ka nga, 'wag mong hawakan si Zoshia!"inis kong sabi at hinatak si Zoshia na ikinatawa nilang dalawa..
"Ah, Ma'am!"napatingin ako kay April, isa sa mga maid namin.."Itatapon ko na po ba 'to?"tanong niya kaya napatingin ako sa hawak-hawak niya..
Mga picture frames iyon at alam kong mga picture ni Marvin iyon at naming dalawa..
"Ano 'yan?"tanong ni Endrich kaya ngumiti ako ng tipid..
BINABASA MO ANG
Entering The Wrong Door
RomanceDeborah Vienn Silva, the woman from a rich family is forced to be reunited with a man she has never met and still knows .. but because of her love for a man, she was able to disobey her beloved grandfather for the first time .. She married the man s...
