Chapter 18

41 2 0
                                        

Makalipas ang ilang araw, sinubukan kong tawagan si Racina pero hindi niya sinasagot. Nag-riring pero hindi niya sinasagot. Minsan naman ay pinapatay niya ang cellphone niya kaya hindi ko na siya kinulit. Hindi niya talaga sinasagot at balita ko ay hindi na siya pumapasok sa school niya..




Nag-aalala ako para sakaniya.. I'm sure na naapektuhan ang emotions niya dahil sa pag-aaway nila ng kuya niya..





Nagbihis na lang ako dahil gusto ko mismo na kausapin siya sa personal.. Gusto kong alamin kung ano ba talaga ang pakiramdam niya ngayon. Hindi kasi mapanatag ang dibdib ko sa basta paghihintay lang sakaniya. Itaboy niya na ako o tulakin, basta hindi ako aalis hangga't hindi ko nasisigurado kung ayos lang ba siya.. Pagkalabas ko ng kwarto ko, sakto naman na lumabas si Endrich sa kwarto niya. Nagtama kaagad ang paningin naming dalawa kaya nginitian ko na lang siya at naunang bumaba..




"Going somewhere?"



"Yup."



"Where?"



"Secret."





Napatawa ako nang habulin niya ako at agad na hinawakan ang pulsuhan ko para pigilin ako sa pagbaba..




"Isa.. Saan ka pupunta? Nakabihis ka pa,"




"Hindi ba pwedeng hindi mo malaman?"




"Edi, h'wag.. Psh.."




"Okay."tango ko kaya napasimangot siya.."Bitawan mo na 'ko,"




"Sabihin mo na kasi."




"Ayaw."




"Magtatampo ako?"




"Okay.."

Entering The Wrong DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon