Chapter 12 Pagtatapos ng ikalawang Pagsasanay 1

159 47 0
                                    

Chapter 12 Pagtatapos ng ikalawang pagsasanay 1

Carl P.O.V.
Ito Ang huling araw na ibinigay na palugit ni elder jae upang ipagpatuloy Ang aming pagaaral. Natapos ko na Ang aking binabasa kaya wala na akong magawa. Dahil wala namang paraan ng skill Ang aking masasanay na nakasulat doon. Tanging agawan lang sa trono Ang nakasulat sa libro. Ngunit wala pang nakakapagpatunay doon.

Hindi ko maiwasang hindi mamangha Kila Queenie dahil nauna ako sa kanilang umangat ng antas ngunit ngayon ay kaparehas ko na Ang mga itong 2nd silver sapphire. Ngunit hindi pa naman' ito Ang Hangganan ng antas na aking gustong marating.

Kagat kagat ko ulit Ang bungad ng Punong kinauupuan ko ngayon. Dito ako namamalagi kapag Wala na akong ginagawa dahil mapayapa Ang pwestong ito.

Ang bungang aking kinakain ay hindi ko parin alam Ang tawag Hanggang ngayon basta ang alam ko lang ay delikado ito sa mga mahihina Ang antas isang kagat mo lang at hindi agad na bigyang Lunas ay maaari mo itong ikamatay. Ang enerhiyang ibinibigay nito sa akin ay hindi narin kayang pataasin Ang aking antas.

Huminto ulit ito sa pagtaas ngunit ramdam kong mas lumalakas Ang enerhiyang dumadaloy sa aking katawan sa tuwing kumakain ako nito. Hindi ko pa nga rin nababalikan Ang tanim ko sa mundong iyon. Hindi ko alam kung tumubo o nabuhay ba Ang tanim ko doon. Pero sana tumubo ng saganon ay hindi na ako maghahanap ng maghahanap ng prutas na ito.

"Carl pahingi ako." Agad akong napatingin Kay Jay na nakatingin sa akin dito sa TaaS. Agad akong pumitas ng isa at ibinato ko ito sa kanya. Agad naman niya itong kinain. Kita ko pang sarap na sarap ito sa pagkain.

Agad din naman' siyang nagpaalam upang bumalik sa kanyang pagsasanay hindi ko naman na siya pinigilan dahil mukhang gustong gusto na talaga niyang lumakas. Kahit ako rin naman' ngunit hindi dapat masyadong madaliin dahil baka mamaya magwala Ang enerhiya mo sa katawan at sumabog talagang Patay ka.

Miss ko na Ang mundong iyon. Kung hindi lang talaga laging nakabuntot sila Jay baka nakabalik na ako doon. Ngunit kada babalakin kong pumunta ay lagi silang biglang susulpot at magaayang gumala o kumain.

Hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung ano ng antas ni calix ngayon?kung ano ng antas nila neon at kia?nakapanganak na kaya si dajana?tumaas na na Ang antas niya?. Mga tanong na hindi ko alam kung anong sagot.

Hindi na talaga ako makakapayag na hindi makapunta room mamaya. Hindi na ako makakapayag na sumama ulit sa kanila. Gagawa ako ng paraan upang hindi nila ako pilitin pang isama.

"Kamusta kayo?." Agad akong napahinto sa pagiisip dahil sa pamilyar na boses na aking narinig. Hindi ako pwedeng magkamali dahil si ate rose ito.

"Ate rosel ikaw ba iyan?okay lang naman kame. Kayo kamusta?." Sabi ko.

Hindi ko akalaing na perpect na ni ate rosel Ang paggamit ng telephaty. Ilang taon niyang pinaghirapan Ang pagsasanay nito at hindi naman siya nabigong magawa iyon.

"Nasaan ka rosel?." Rinig kong sabi ni kuya Louie. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil doon. Kahit magkasama naman' sila bakit kailangan pang magtanong. Hindi ba? Lagi naman' iyang ganyan si kuya Louie mawala lang saglit si ate rosel halos mabaliw na nawawala pag ka antukin niya.

"Wala Kang pakialam doon. Hindi na kaya ng enerhiya kong patagalin pa itong paguusap natin. Natutuwa akong marinig Ang boses niyo ulit. Masaya akong nakilala ko kayong lahat. Hindi man tayo' ganoong katagal nagkasama sama ay hindi naman ibig sabihin noon na  hindi Kayo napa mahal sa akin...tandaan niyo mahal na mahal ko kayong lahat." Sabi niya.

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak dahil sa binitawan niyang salita. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa kanya. Hindi ko sigurado kung ano iyon pero isa lang ang alam ko na sa kapahamakan siya ngayon.

BATTLE OF THE THRONES [BOOK 1- AMBITIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon