PROLOGUE

1K 85 10
                                    

Prologue
Nakahanay Ang limampung kabataang nakapasa sa pagsubok na ibinigay upang mahasa at masanay Ang abilidad na kanilang tinataglay.

Kabilang sa mga ito si Carl bern galing sa sea fish family isang bayan na namumuhay sa tabing dagat. Kasama niya Ang dalawa pang kaibigan niyang napili din. Marami Ang sumubok sa kanila upang maging malakas at maprotektahan ang pangkat na kanilang kinabinilangan ngunit tatlo lamang sila sa mga pumasa sa pagsubok.

Napako Ang tingin ni Carl sa mga bagong dating. Ito Ang mga elders ng chovlans institution. Nasa 5th to 7th metallic gold sapphire Ang mga antas ng mga ito. Hindi maikakailang Ang lakas ng mga ito ay hindi biro.

"Sa inyong pumasa sa aming pagsubok binabati ko kayo ngayon palang. Alam kong hindi biro Ang inyong pinagdaanan sa mga pagsubok na aming inihanda...bilang patunay na kayo ay kabilang sa institutions ito ay tanggapin niyo Ang mga medlyong ito." Ani nito.

Agad na nagsiliparan Ang medalyon. Napatingin si Carl sa medalyong kanyang hawak hindi niya mapigilang mapangiti dahil Ang unang hakbang para sa pangarap niya.

"Carl ito na Ang unang hakbang para sa mga pangarap natin. Para sa angkan natin sisiguraduhin kong magsasamay ako ng maigi." Sabi ni Queenie Rei.

Isa sa mga nakasama niyang nakapasa sa pagsubok. Hindi niya mapigilang hindi mapangiti rito.

"Tama si Queenie, Carl ito na Ang unang hakbang natin para sa pangarap natin. Para sa angkan natin." Ani pa ni Jay Lee.

Tumango siya sa mga ito bago muling  tumingin sa taong nagsasalita sa harapan.

"Ngayon maari na kayong magsipuntahan sa inyong mga silid na aming inihanda...muli binabati ko/namin kayong lahat." Nakangting sabi nito.

Agad na nagsipasukan sa kanya kanyang kwarto Ang lahat. Habang Ang lahat ay magpapahinga si Carl ay busy sa pagpapataas ng kanyang ranggo. Ngunit dahil din sa kapos sa kayamanan ay hirap siyang magpataas ng ranggo.

Pero kahit ganoon ay hindi siya nawawalan ng pagasa para sa pamilyang kanyang kinabinilangan.

---
Sea fish family
Nakaupo Ang mga elders ng sea fish family sa isang kwarto. Kinakabahan Ang mga ito dahil hindi nila sigurado kung may makakapasok sa mga kabataang pinadala nila.

"Elder jenny. Sa tingin mo may makakapasok kaya sa mga kabataang pinadala natin?." Tanong ni elder josh.

Hindi alam ni elder jenny Ang kanyang isasagot dahil maski siya ay hindi niya alam kung mayroong bang nakapasa sa mga ito.

"Maski ako elder Josh ay hindi ko din alam kung mayroon. Alam mo naman' Ang kinalalagyan ng pamilya natin hindi ba?." Tanong nito.

Agad namang nakaramdam ng kaba ang mga ito. Dahil Ang mga kabataang kanilang ipinadala ay siyang maaring maging dahilan ng paglakas ng kanilang angkan.

Gulat silang napatingin sa tagabantay na biglang pumasok na mukhang pagod na pagod dahil sa pagtakbo.

"Elders nagdatingan na po Ang mga kabataang pinadala ninyo upang sumubok." Sabi nito.

Agad na nakaramdam ng kaba ang mga elders dahil sa sinabi ng mga ito. Hindi nila apam kung may pumasa sa mga pinadala nila dahil wala namang sinabi Ang tagabantay bago umalis kung Ilan Ang nagbalikan.

Muling bumukas Ang pinto at agad na nagsipasukan Ang pinto sa mga sumubok nakayuko Ang mga ito at hindi alam kung saan tingin dahil sa hiya.

Agad na napatayo Ang mga elders dahil sa pagpasok ng mga ito. Hindi nila mapigilang hindi matuwa dahil sa sampong pinadala nila ay tatlo Ang nakapasa sa mga ito.

BATTLE OF THE THRONES [BOOK 1- AMBITIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon