Chapter 18 Pagpupulong

149 45 0
                                    

Chapter 18 Pagpupulong

Carl P.O.V.
Nasa harap na kame ng Pinto. Ramdam ko ang aurang nasa loob pero bakit parang may hindi tama sa aurang kanilang inilalabas. Para bang may naglalaban sa loob.

"May naglalaban ba sa loob Carl?." Takang tanong ni Jay. Agad ko muling pinakiramdaman Ang aura sa loob. Agad akong napahinto ng maramdaman ko ang ibang aura ng mga kaibigan namin na nanghihina.

"Jay anong nangyari sa kanila?bakit Ang hihina ng aura nila?." Naiiyak na tanong ni Queenie. Imbes na sumagot ay binuksan ko ang pinto. Agad kong naabutan Ang mga pinuno ng bawat bayan ay pinagtutulungan Ang mga elders. Nakita ko rin sa malayo Ang katawan ni ate rosel. Pinakiramdam ko ang aura nila ngunit wala akong maramdaman. Kita ko rin ang mga sugatang ibang kaibigan namin.

"P-patay na si ate rosel?." Umiiyak na sabi ni Queen. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin dahil na blanko din Ang aking isip. Mukhang hindi pa nila kame nararamdaman dahil hindi nila kame nilingon sa pwesto namin.

"First skill acceleration." Umiiyak na bigkas ni Queen. Agad akong napatingin Kay quennie na nasa unahan at sinalag Ang atakeng ginawa ng mga ito.

"Bone magic: bone barrier." Bigkas ko. Pinalibutan Ang pwesto nila ng harang gawa sa buto at bungo.

"First skill wind explosion." Seryosong sabi ni Jay. At walang sabing inatake Ang mga pinuno. Hindi ko akalaing gagawin niya iyon.

Agad kameng lumapit at kita Ang gulat sa mata ng mga naroroon. Kita ko pa ang ibang pinunong nakaligtas sa atake ni Jay. Pero kita ko ang bitak sa barrier na ginawa nila.

"Hindi ko akalaing mismong mga pinuno ng bayan Ang mismongananakit sa kanilang pinuno." Bigkas ko. "Kaya pala ganoon na lang ang ugali ng ibang mamamayan na pilit naming pinapainom ng gamot ngunit matitgas Ang ulo. Alam ko na kung ano ang dahilan." Seryosong sabi ko.

"Sammy." Bigkas ni Jay. Agad na lumabas si Sammy. "Hulihin mo sila ng buhay." Seryosong sabi nito. Agad kong nakita Ang gulat sa mata niya dahil sa pagiging seryoso nito.

"Second skill frozen breathe." Bigkas nito. Agad na nagyelo Ang mga paanan ng mga ito. Makapal Ang yelo ng mga ito. Kaya kahit anong pilit nilang basahin ay hindi nila kayang gawin.

"Subukan niying gumawa ng ikagagapit ko gagawin kong souvenir yang mga kaluluwa niyo." Nakangising sabi ko. Kita ko ang pamumutla nila dahil sa sinabi ko.

"S-sa tingin mo ba maniniwala kame sayong baliw ka." Nakangising sabi nito. Sa pag kakaalam ko siya Ang pinuno ng Rock shrine.

"Wrong move." Nakangising sabi ni Queenie. Ngumiti din ako bago ko iniangat Ang aking kamay.

"Fifth skill soul cage." Bigkas ko. Kita kong nakatingin lang sa amin ito. Ngunit wala na siyang kaluluwa. Agad kong inilagay sa space room ko Ang kaluluwa nito. " Sino pa ang gusting maging katulad niya?." Nakangising sabi ko.

Kita ko ang pagdaloy ng takot sa mga mata ng mga ito. Agad akong tumingin sa mga elders at kaibigan namin. Doon ko nakita Ang katawan ni ate rosel at kuya Louie wala na akong maramdamang enerhiya sa kanila.

Agad akong Lumapit sa kanila at pinainom ng recovery pill. Agad naman nila itong ininom at unti unti naring bumabalik ang mga naputol na parte ng kanilang katawan. Gumagaling na rin Ang mga sugat na natamo nila.

"Fourth skill shield of faith." Umiiyak na bigkas ko. Agad na pinalibutan ng liwanag Ang katawan nila.

Liam P.O.V.
"Fourth skill shield of faith." Umiiyak na bigkas nito. Agad na nabalutan mg liwanag Ang katawan nila rosel. Hindi ko akalaing mawawala ng buhay Ang dalawang ito.

BATTLE OF THE THRONES [BOOK 1- AMBITIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon