Chapter 25 Plano

128 42 0
                                    

Chapter 25: Plano

Carl P.O.V.
Nakaharap sa akin ang mga kaibigan ko at mga elders. Ngayon ko sasabihin Ang Plano ko.

"Okay lang po ba talagang ako Ang magdedesiyon?." Nakangusong sabi ko. Agad na tumango Ang mga ito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin dahil baka mamaya ay hindi nila nagustuhan Ang plano ko.

"Tatanggalin ko na po Ang lahat ng bayan na hawak ng sea fish family." Sabi ko. Agad na napahampas Ang mga ito sa kanilang lamesa dahil sa sinabi ko.

"Ano bang sinasabi mo Carl. Mali ata Ang naging desition naming ikaw Ang pagplanuhin." Ani ni elder Carla.

"Mukhang tama si elder Carla. Dahil hindi naman maaaring gawin uyang sinasabi mo Carl." Dagdag pa ni elder jenny.

"Pero elder kaya ko po ipapatangal...." Hindi ko na natapos Ang sasabihin ko ng magsitayuan Ang mga ito. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko dahil sa ginawa nilang pagalis habang nagsasalita ako.

Ang natira na lang ay si Queenie, jay, kuya Liam at elder josh. Hindi ko akalaing Hindi sila papayag sa gusto kong mangyari. Hindi man lang nila ako pinayagang ipaliwanag kung bakit.

"Carl may tiwala ako sa Plano mo. Ngunit bakit gusto mong tanggalin Ang mga bayan?." Nagtatakang tanong ni elder josh.

Mapait akong ngumiti bago sumagot.
"Tatanggalin ko Po Ang mga bayan ngunit hindi naman po ibig sabihin noon ay pababayaan natin Ang mamamayan. Mas maganda pi kaseng magkakasama na lang ang mga bayan tulad dati." Sabi ko.

"Dahil mas lalaks tayo' kung magkakasama Ang lahat ng bayan. Tulad ngayon magkakahiwalay nang mga bayan kaya nasakop agad nag mga ito at pinatay Ang ibang mga binihag ng mga ito. Dahil wala silang lakas upang lumaban sa mas mataas Ang antas sa kanila ay hindi na sila makapanglaban. Kung magkakasama Ang mga bayan ay nagagawang protektahan ng bawat isa Ang mga ito. Walang mangyayaring hindi masama." Dagdag ko pa.

"Kung ganoon may Punto Ang iyong sinabi Carl. Ngunit ngayon pa lang ay mukhang hindi mo na magagawa iyan dahil sa hindi pumayag Ang mga elders." Ani ni elder josh.

"Ngunit elder payag ka po bang gawin ko iyon?." Nakangiting tanong ko.

"Oo naman' Carl Kilala kita alam kong para sa kabutihan ng lahat Ang gagawin mo." Nakangiting sabi ni elder josh.

Napatingin ako sa tatlong natitira nakangiti itong tumatango tango sa akin. Kahit na hindi sila pumayag ay gagawin ko pa din.

"Sige po elder josh pupunta lang po ako sa golden fang family. Kailangan ko pa pong tumulong doon sa mga mamamayan na nakaligtas. Hindi ko naman po maaaring pabayaan Ang mga iyon." Nakangiting sabi ko.

"Sasama ako sa iyo Carl. Alam kong may Plano Kang gawin doon." Nakangiting sabi ni elder josh. Napatawa naman' ako dahil sa sinabi nito.

"Kung inyong gusto hindi ko kayo pipigilan." Nakangiting sabi ko. Agad akong tumayo at nakasunod Ang mga ito sa akin na para bang ako Ang pinuno nila.

Ng makalabas kame ay agad na dumiretso kame papuntang daanan paakyat sa bulwagan. Hindi pa kame nakabalik Ang mamamayan dahil hindi pa naayos Ang mga kabahayan. Ng makarating kame ay nakangiting sinalubong kame ng mga ito.

Ngunit ng mapatingin kame sa mga kaibigan ko at sa mga elders ay masama parin Ang tingin ito sa akin. Mali ba talaga ang sinabi ko?.Mali ba ang plano ko?.

Agad kameng lumapit sa kanila.
"Aalis na po kame elders." Nakangiting paalam ko.

"Umalis ka. Kahit hindi ka na bumalik. Hindi namin kailangan Ang tulad mo." Galit na sabi ni elder jenny.

Napayuko ako dahil sa hiya. Nakatingin din sa amin Ang iba Dahil sa sinabi ni elder jenny.

"Bakit po ba kayo Galit elder jenny?." Takang tanong ni Jay.

BATTLE OF THE THRONES [BOOK 1- AMBITIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon