Chapter 28 Mamamayan ng golden fang family 2

144 36 1
                                    

Chapter 28: Mamamayan ng golden fang family 2

Third person P.O.V.
Saktong pagdating ni Carl sa tagpuan nila ay andoon na Ang mga ito. Mukhang siya na lang ang inaantay ng mga ito. Ng makalapit siya rito ay napatingin sa kanya Ang mga ito.

"Ang tagal mo naman' Carl. Pupunta pa tayo' ng bayan ng rikode." Inis na sabi ni Queenie.

Hindi naman mapigilang hindi Matawa ni Carl dahil kahit kailan ay Pagtapos na ito sa gusto niya ay kailangan puntahan na Ang iba pa niyang gusto puntahan.

"Pasensya na may tinulungan lang akong matanda kanina." Nakangiting sabi nito.

"Bakit ano bang nangyari?." Tanong nito. Kahit pa sabihing nagmamadali siya ay hindi naman maaaring baliwalain niya Ang tumulong sa nangangailangan.

"Hinimatay dahil sa hindi sila makakain ng tama. Dahil sa TaaS ng bayad ng buwis ay nagmahal Ang presyo ng pamilihan na hindi kayang bilhin ng mga taong kapos sa pera." Ani ni Carl.

Hindi naman ito maikakaila ni Queenie dahil kahit siya habang naglibot ay halos lumuwa Ang kanyang mga mata dahil sa mga mahal na pamilihin na ibinebenta ng mga ito.

"Isa ito sa kailangang baguhin mo Carl. Dahil pag nagkataon ay mamatay sa gutom Ang mga tao rito." Ani ni elder josh.

"Tama si elder josh. Hindi naman natin maaaring hayaang ipagpatuloy nila ang pagpapahirap sa mga tao rito." Ani ni Jake.

"Pero sa ngayon ay kailangan nating puntahan ang isa pang bayan. Ang bayan ng rikode. Ayon kase sa narinig ko ay mas mahirap Ang bayan na iyon." Ani ni Jay.

Agad na napalingon sa kanya Ang mga ito dahil sa sinabi niya. Dahil kung mas mahirap Ang bayang iyon anong klaseng patakaran Ang meroon doon?.

"Tuyo't daw Ang mga pananiman. Mahal Ang buwis marami na daw Ang namatay na mamamayan doon dahil sa gutom at sakit." Dagdag ni jay.

"Mukhang kailangan nga nating puntahan Ang bayang iyon." Ani ni Carl.

-----------
Sa bayan ng rikode ay halos magpatayan Ang mga tao para lamang mabuhay. Magkakaroon na rin ng pagnanakawan at meroon na ring nangbibihag ng mga dayuhan upang makakuha ng pera sa mga mahal nito sa buhay.

Kasama na rito Ang isang apat na taong gulang na batang babae. Isa siyang dayuhan na nahuli kasama Ang mga kapatid at magulang ngunit Ang mag magulang niya ay piinatay na dahil hindi na nakuha ng pera Ang mga ito.

Ang natira ay silang apat na magkakapatid. Siya Ang pinakabata sa lahat habang Ang pinakamatanda naman' ay sampung taong gulang  takot na takot na Ang mga ito dahil sila na Ang susunod na papatayin ng mga ito.

Hindi nila alam Ang gagawin ngunit wala na rin naman' silang magagawa dahil masyado na silang mahina dahil isang beses lang sila pakainin ng mga ito sa isang araw at dalawang basing tubig magdamag.

"Huwag kayong magalala gagawa ng paraan si ate huh?." Nakangiting sabi ng panganay.

Hindi man siya sigurado kung may magagawa siya ngunit hindi niya naman' maaaring hayaan na mamatay silang lahat sa bayang ito ng sabay sabay. Masyado pa silang mga bata para mamatay.

"Ngunit ate wala na tayong magagawa." Sabi ng pangatlo.

Isa siyang anim na taong gulang na lalake. Hindi na siya umaasang mabubuhay dahil masyadi ng matagal sila namamalagi sa bayang ito. Ngunit wala pang tulong na pumunta sa kanila upang iligtas.

"Huwag Kang mawalan ng pagasa. Habang may buhay may pagasa." Nakangiting sabi ng kambal nitong lalake.

Agad silang nakaramdam ng takot ng may pumasok na dalawang lalake. Mabait Ang mga ito sa kanila. Hindi naman nila gusting gawin Ang mga bagay na ito. Ngunit kung hindi nila gagawin ay siguradong Patay Ang pamilya nilang hawak ng mga ito.

BATTLE OF THE THRONES [BOOK 1- AMBITIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon