Special Chapter

333 10 2
                                    


Chelsea's POV

"Ano?! Pupunta ka na naman doon sa pisteng Summer camp na iyon?!" Namumula na si Auntie kakasigaw.

Hindi ako nagkamali na magagalit na naman siya kapag magpapaalam akong pumunta sa La Union para sa camp. Hindi naman na bago sa akin iyon. Sa bawat taon na nagpapaalam ako, wala akong makuha sa kaniya kung hindi pagtutol sa kagustuhan ko.

Simula noong pumanaw ang aking mga magulang noong dose anyos pa lang ako, naiwan na ako sa tiyahin ko. Kapatid ni Mama. Noong unang tapak ko palang sa bahay nila, ramdam ko na agad na ayaw sa akin ng pamilya ni Auntie. Kesyo dadagdag lang daw ako sa palamunin. Pati iyong dalawa kong pinsan palagi akong pinag-iinitan, pati rin si Tito. Hindi ko alam kung bakit.

"Auntie, last ko na po 'tong pagbalik doon. P-pumayag na po kayo." Nakayuko kong sambit.

Nag-umpisa lang naman akong nahilig sa summer camp na iyan dahil sa gusto kong mag explore ng ano-anong bagay simula noong namatay sila Mama't Papa. Gusto kong libangin ang sarili ko.

"Iyan din ang sinabi mo noon, Chelsea. Last mo na iyon last year. Pero tignan mo ngayon, nagpapaalam ka na naman sa akin. Sayang iyong makikita mong pera sa pag nagsayang ka ng panahon doon. Kalokohan lang mapapala mo doon. Puro ka gastos. Palamunin ka lang naman dito. Mag hanap ka nalang ng pera para may makakain naman tayo. Hindi iyong puro ka lakwatsa." Mahabang lintaya niya at tinalikuran na ako.

Bumaba ang magkabila kong balikat dahil sa hindi pag payag ni Auntie.

Ngumiti ako ng mapait. Palagi naman akong naghahanap ng pera para may maibigay lang sa kaniya. Nagtitinda ng kahit ako, pinapasok ko lahat ng trabaho na makakayanan ko para lang makakita ng perang hinihingi niya sa araw-araw. Sumasakit na nga iyong katawan ko kakatrabaho. Mabilis maubos ang perang binibigay ko kaya dinodoble ko na ang pagkakayod. Hindi ko alam kung saan niya ginagamit ang pera. Hindi naman ako nagrereklamo kasi sila ang bumubuhay sa akin.

Sila nga ba? O iyong perang binibigay ko?

Bumalik na ako sa aking kwarto para magpahinga. Kakauwi ko lang galing sa huling trabaho ko ngayong araw. Hindi ako nag papagabi ng uwi kasi delikado sa daan, lalo na at dalaga ako.

Tumingin ako sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng maliit kong kama. Kinuha ko ang litrato na nakatung-tong doon at hinaplos.

"Ma, Pa, kumusta kayo riyan sa piling ni Papa God?" Una kong nabanggit habang pinipigilang tumulo ang mga luha. "Parang bibigay na po ang katawa ko sa mga pinaggagawa nila Auntie." Nag-uumpisa nang mabasag ang boses ko.

Hindi ko man lang magawang mag-aral dahil puro sa trabaho lang ang inaatupag ko simula pa noon. Hindi ko man lang natupad ang kahilingan ng mga magulang ko noong nabubuhay pa sila.

"Gusto ko lang namang mag-libang sa camp, Ma, Pa. Nangunulila na naman ako sa inyo." Tumawa ako ng mahina pero hindi na mapigilang tumulo ng nga luha ko.

"Bakit? Bakit 'to nangyayari sa akin?"

Lumipas ang isang linggo at araw na ngayon ng pagbukas ng summer camp para sa ngayong taon. Ako lang ang natirang mag-isa dito ngayon sa bahay dahil may pinuntahan sina Auntie. Syempre hindi ako kasama. Sino ba naman ako?

Walang tao sa bahay kaya sinamantala ko na iyon para tumakas papuntang La Union.

Kinuha ko ang savings ko sa aking kabinet at inangkla na ang maletang itinago ko sa ilalim ng kama para hindi nila makita.

Isang buwan ako doon kaya maraming damit ang dinala ko.

Hindi nagtagal ang byahe ko kasi malapit lang naman kami sa resort. Dito palagi ginaganap ang camp. Iyong iba nagsasawa na kasi taon-taon sila pabalik-balik dito, maliban sa akin. Hindi ako nauumay mag diwang ng summer ko dito. Hindi nakakasawa ang lugar. Refreshing kasi.

My First Summer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon