Chapter 13

209 9 19
                                    


"Baby, you're spacing out. Okay ka lang talaga? Sumasakit ba yung dibdib mo?"

I was back in my senses when Nate asked that. Yes, he's right. I'm spacing out right now, thinking for Sean.

I don't know where is he. Pagkatapos kong tumakas sa kaniya, hindi na pinagtagpo ang landas namin. Mabuti na rin yun para maka-iwas na rin ako sa kaniya.

Sino ba naman hindi mahihiya at may lakas ng loob na magpasikat at mag pakita sa crush niya kapag umamin siya dito? Wala, maliban lang sa mga makapal ang apog.

Nate and I are now walking in the shore, unwinding. Pagkarating namin kanina sa cabin, tama nga si Nate, andoon si Mom naghihintay sa amin.

Nate became bored kaya nag-aya siyang magpahangin dito sa dalampasigan. Not bad, dahil hindi naman ganoon ka sakit ang sikat ng araw. Masyado ngang makulimlim ang langit.

"I'm okay Nate. Don't bother. I'm just starting to overthink," I answered.

He stopped from walking and face me, smirking, "anong iniisip mo?"

"Anong ano? Sino kamo!" sabat naman ni Chelsea. Bigla bigla na lang 'to susulpot. Parang kabute.

"Uy Ms. Fan," pagbati ni Nate sa kaniya.

Tinaasan siya ni Chelsea ng kilay, "anong tawag mo sa akin?"

"Ms. Fan?" pamimilosopo naman nung isa.

She scoffed, "ano ako pamaypay?"

"Fan. As in taga-hanga!"

Chelsea laughed like there's no tomorrow, "a-ako? Taga-hanga mo?" She looked at me, still laughing, "ang hangin naman nitong kasama mo Mitchie."

I shook my head, "ewan ko sa inyo."

I just left them there arguing. Naglakad lang ako hanggang sa makarating ako malaking bato. Ngayon ko lang ito nakita.

I climbed there. Medyo nahirapan pa ako dahil sa taas nito. I also got little scratches from the sharp tip parts of the said rock.

But those are worth it. 'Cause I saw a beautiful scenery from up here. Makikita mo talaga kabuuan ng resort.

"Baka mahulog ka diyan," a familiar voice said.

I turned my head to see if that's really him. And accurately, he is.

"Pero huwag kang mag-alala, sasaluhin naman kita," he added, smiling.

I just turned back my attention to the whole ocean trying to ignore him.

Minutes later, I could already feel his presence on my side. Even though I'm not watching him, I know, I can sense it, he's staring at me.

"Mitchie-"

"Sean, leave me alone please?" Hinarap ko siya, "ano pa bang gusto mo?"

"Ikaw Mitchie, ikaw ang gusto ko. Mahirap ba intindihin yun?" Nag-uumpisa ng tumaas ang boses niya.

I scoffed, "ikaw? Hindi mo ba maiintindihan na hindi tayo pwede?"

Tumawa siya ng pagak, "why? We like each other Mitchie. Bakit hindi tayo pwede?"

Akmang aalis ako ng yakapin niya ako mula sa likuran.

"Sean, let me go," pagpupumiglas ko.

"No. This time you can't run away from me Mitchie."

I closed my eyes. I forced out and do my best to loosen the hug. Luckily, I did looses it.

Humarap ako sa kaniya, "hindi tayo pwede dahil-"

"Baby!" Biglang may pumulupot na kamay sa beywang ko.

My eyes widened, "N-nate. W-what are you doing here?"

Bakit hindi ko namalayan na naka-akyat na pala siya dito sa taas?

"Obviously, I followed you here. Tara na, bumaba na tayo. Let's grab a lunch outside together with Tita and Chelsea."

"N-now?"

He nodded, "yup."

"Siya ba ang dahilan Mitchie?" sabat ni Sean.

Tumingin si Nate sa gawi niya, "uy. May kasama ka pala dito."

"Siya ba Mitchie?" sigaw ni Sean.

"Whoa!" Nate raised his both hands, "inosente ako. Bakit ka nagagalit bro?"

Sean gritted his teeth, "don't call me bro."

"Fine. Fine. Why don't you join us? Kaibigan ka ba ng baby kong ito?" Nate put his arm on my shoulder.

"Yes."

"No."

Kumunot ang noo ni Nate, "ano ba talaga? Baby, sabi niya kaibigan mo siya. Ba't no sagot mo?"

I faked a cough, "I-I mean no. He can't join us. He have a lot of things to do. Right, Sean?"

Mabilis na umiling si Sean na ikinilaglag ng panga ko.

"Wala akong gagawin. Pwede akong sumama sa inyong kumain."

I made a facepalm. Anong pinaplano nito? Tapos ang bipolar lang ng lalaking 'to. Biglang nagbago ang modo.

"Yun naman pala baby e. Ayaw mo bang makasama yung kaibigan mo?"

I saw Sean rolled his eyes. Problema nun?

"Fine. Tara na. Baka naghihintay na doon si Mom."

Nababahala man at baka madulas, nauna na akong bumaba sa kanilang dalawa. Sawa na ako makipag-daldalan.

We just walked for a minutes before we arrived in our cabin. Naabutan namin si Mommy na nag-aayos ng mga kagamitan kasama na dun mga damit niya.

"M-mom?"

Mom looked up, "honey, did Nate told you already?" tanong niya pagkatapos naming mag-beso.

I faced Nate, raising a brow.

"Tita," he faced Mom, "ikaw na lang po mag sabi," pagpapa-cute niya. Akala mo cute.

Bumuntong hininga si Mommy, "later anak. Pagkatapos na nating kumain."

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango.

We stepped out from the cabin at tumambad sa amin si Sean na kanina pa pala nag-hihintay.

"Oh? May binata pala dito?" sabi nang nanay ko.

"Hi po. You're might be Mitchie's mom tita?"

Nanlaki ang mata ni Mom, "how did you know? Kilala mo anak ko?" she take a look at me, "kilala mo yan 'nak?" tinuro pa si Sean.

I just nodded. Ano pa nga ba magagawa ko?

"Yes, Mom. He is Sean, a friend of mine," I introduced.

Sean stepped near to Mom to do shake hands, "hi po tita. Pwede po manligaw kay Mitchie?"

"Speed!" sabat ni Nate.

"Bilis!" sumabay naman si Chelsea.

"Mom, don't mind him,"

"Of course. Pwede mong ligawan ang anak ko," Mom agreed. She even teased me!

"Mom!"

"Yes, honey? Hindi ka man nagsabi na may na bingwit ka na pala dito? At," tiningnan niya si Sean mula ulo hanggang paa, "cool pa siya. Gwapo niya anak," she added, whispering to my ear.

"Mommy naman," pagtututol ko.

"O siya, o siya. Hali na kayo at kumain na tayo. Sumama ka na sa amin manugang, ay Sean pala. Hays. Nagugutom na ako sa kilig," Mom giggled like a teenager. Gosh!

I rolled my eyes and follow them to the outside of the camp site.

My First Summer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon