Chapter 4

16 0 0
                                    

Isang linggo kaming hindi nag-usap ni Avery after the kiss. Actually may magkasama dapat kaming klase nung Wednesday pero hindi siya pumasok. Hindi ko rin alam kung bakit. Kapag naman nagkakasalubungan kami sa hallway o kung saan, ako ang unang umiiwas.

Dahil Wednesday na naman ngayon may klase kami sa 106. Hindi ko lang alam kung papasok na si Avery, bahala siya.

First subject namin clin pharm. Naitawid naman ng barkadahan ang dalawang oras na lecture doon. Maingay na naman kaming nag-uusap usap tungkol sa naintindihan at hindi naintindihan sa mga epekto ng gamot habang naglalunch. Maaga kaming nakapaglunch ngayon dahil 9am nagstart ang klase at dalawang oras lang kaya marami pa kaming napagpiliang ulam.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at pagdedebate sa mga gamot ng sumulpot si Avery.

"Pre! Tapos na kayo kumain?" Tanong niya kila James nang makalapit. Hindi man lang ako tiningnan. Nice. Ano bang inaasahan ko? Tss.

"Di pa pre, late ka ngayon ah! Pili na ng ulam bilis para sabay-sabay na tayo papasok sa 106"

"Overtime na naman si Lucena ih. Order lang ako" Paalam niya saka pumila

Nang makabalik si Avery ay walang imik na umupo siya sa tabi ko. Tortang talong ang kinuha niyang ulam.

"Ba't absent ka last meeting sa 106?" Tanong naman ni Andrei

"Ah... Kinailangan ko magskip ng ibang klase last week kasi may biglaang report ako sa major." Sagot niya kasunod ng pagsubo. Tango lang din naman ang sinagot ng barkada.

Maingay pa rin naman sa table namin tho hindi na tungkol sa gamot ang pinag-uusapan. Sport Fest na kasi ang sunod na big event ng University kaya ayun ang topic nila. Wala naman akong sport kaya tahimik lang akong nakikinig.

Varsity ng Chess si Richard, si Andrei at AJ naman ay sa badminton. Si Louie at James naman ay sa basketball. Si Martina at Ate Jai naman ay sa volleyball. May training din si Ashley para sa Miss Gay na isa rin sa pinakaiintay na event ng sport Fest. Nabanggit rin ni Grey, Natashia at Genesis na sasali sila sa ML tournament. Bagong category ng sport fest namin ngayon to give credits daw sa esports. Kami lang nila Catherine at Aira walang sasalihan. Moral support lang kaya naming iambag sa ganyang usapan.

Nabanggit din nila na ginagabi na sila sa pag-uwi pagtetraining nitong mga nakaraang araw

"Ikaw preᜓ, may sasalihan ka ba?" Tanong ni Richard kay Avery

"Niyaya ako ng mga aports na sumali sa ML tournament pero di ko pa sure busy pa sa acads" simpleng sagot niya.

Alas dos pa start ng klase namin sa 106 kaya ang tagal naming tambay sa karindirya ni nanay. Nagvideoke na lang din sila habang nag-iintay sa oras.

Kinakansyawan ng barkada ngayon si AJ na damang-dama ang rolling in the deep na kinakanta niya.

"Lintik ka AJ! Daig mo pang nagcoconcert" sigaw ni James

"Oh!" Pag-aabot sakin ni Avery ng cornetto

"Wala bang rocky road?" Tanong ko sa kanya

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Geometry ka ba? Ang ganda mo kasi sa lahat ng angles

Baduy naman ng pick up line na 'to

"Korni nito dapat brand name niyan ih" Sabi niya ng mapansin ang reaction ko at tumawa sa sarili niyang joke

"Kumusta?" Tanong niya ng makaupo na ulit. Nakatingin lang siya sa mga nagkukulitan naming kaibigan.

"Ayos lang" simpleng sagot ko, ayaw ko siyang kausp naiinis ako. Inilabad ko ang cellphone ko para maglalaro ng adorable homes habang kumakain ng ice cream.

Creative Sparks: Story Of A No-label RelationshipWhere stories live. Discover now