Chapter 7

15 0 0
                                    

1:00 pm pa lang pero kabado na ako para sa laro nila Avery mamaya. Nakakainis, may klase pa nga ako ngayon pero hindi ako makapagconcentrate. Gusto ko na tumayo at pumunta sa fort b. building dahil pakiramdam ko ay masusuka ako dito.

"May short quiz tayo after ng discussion today" bungad ng prof namin. Narinig ko pang nagreact ang mga kaklase ko, paano ay may mga kanya-kanya ring team na susuportahan mamaya. Pumikit ako at nagbilang hanggang sa kumalma ako. Focus muna sa discussion Alysane. Kalmahan mo, 1 hour lecture lang yan may 2 hours ka pa bago magstart ang tournament.

"Guys! Focus muna sa discussion, maaga pa. Daig niyo pa ang lalaro. Basta talaga kasali engineering department nagugulo mundo niyo." Pang-aasar ng prof namin kaya naman natawa ang iba at kumalma na para makinig.

"Ay ma'am, hindi pwedeng excited din sila para sa amin na representative ng department natin?" Makulit na pakikipagtalo ni Genesis kay ma'am

"Oo na Genesis, galingan mo mamaya." Pagtatapos ni ma'am sa kwentuhan para makapagsimula na.

Awa ni Lord, nakapasa ako sa quiz ni Mrs. Bianx. 20 items lang naman. After class, kanya-kanya nang sibat ang klase namin.

"Sane, magpalit ka na. Intayin ka namin, bilis" sabi ni James

"Go! Pagpupunyagi para sa kalandian ni Sane" sigaw ni Grey

"Pagpupunyagi" sabay-sabay na sigaw ng barkada ko na itinaas pa ang mga kamay ismong nagcheers.

"F*ck you all" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa CR para magpalit.

Inabutan ako ni Catherine ng san Rio, paglabas ko

"Akin na muna bag mo, talian mo shirt mo at ang laki sa'yo." Inabot ko naman sa kanya ang san rio at naglakad na kami habang nagtatali ako ng damit.

"Akin na, bag mo" pagpupumilit pa niya.

"Wag na, kaya ko na 'to. Kinakabahan ako" wala sa sariling sabi ko

"Kala mo naman talaga jowa" pang-aasar ni Tina kaya medyo nakaramdam ako ng hiya

"Uy joke lang! Go lang sumoporta ka lang, nainggit lang ako, acclang 'to" bawi niya agad. Walanghiya naman kasi kabado na ako sa laro tapos sasampalin pa ako ng ganung katotoohanan.

"Pero nakakatampo ka Sane. Lalaro rin naman kami nila Genesis at Grey pero hindi mo sinuot ang jersey ng department natin. You're a traitor, hmp. "

"Hindi niyo naman kasi ako binigyan ng jersey. May ginawa naman pati akong banner para sa department natin." Iwinagayway ko pa sa harap nila yung nakarolyong dark blue cartolina na hawak ko simula kaninang umaga. Yun kasi ang kulay ng department namin.

"Yown! Kaya sa'yo kami kahit kay Avery ka talaga" gusto ko na namang lamunin ng lupa dahil sa lakas ng boses ni Ashley. Baka may makarinig, hindi naman kami ni Avery mamaya pagchismisan pa ako ng mga admirers nun.

Nang makarating kami sa fort b. Ay pinapunta kami sa gym sa second floor. Taray naman aircon pa ang laro nila. May ginawang improvised stage sa gitna at may backdrop na Sport Fest '22 Mobile Legends Tournament. Malawak yung gym sa building na 'to at malayo ang stage sa mga bleachers. Sakto rin dahil may walong hati ang kulay ng mga upuan. Naka base sa kulay ng department ang kulay ng mga upuan dito. Syempre nasa dark blue bleachers kami. Medyo nahihiya nga ako dahil naandito ako pero pink ang suot kong jersey.

Nasa gitna ang upuan namin. Sakto lang para hindi masakit sa mata kapag nakatingin sa malaking screen. Lalo akong nakaramdam ng kaba. Hinahanap ko si Avery pero hindi ko siya makita.

Kinuha ko ang cellphone ko para idm sana siya pero nagulat ako sa 25 unread messages ko. Lahat galing sa kanya, tinatanong kung nasaan na kami.

:Nandito na kami, kararating lang.

Creative Sparks: Story Of A No-label RelationshipWhere stories live. Discover now