Chapter 6

6 0 0
                                    

Avery's

"Ano pre, G ka na?" Pangumgulit sakin ni Alfred, kaklse ko. Niyaya niya kasi ako napumunta sa pool party ni Jonas.  Batch mate namin nung high school.

"Pre, ayoko nga. Baka magalit si Alysane"

"Walang kayo, wag ka ngang hibang. Bakit siya magagalit?" Pagpapaalala niya sakin. Napipikon na dahil hindi niya ako mapilit na sumama. Wala kasi siyang driver kung hindi ako makakasama. Kinuha ni tito ang kotse niya dahil naabutan siyang naninigarilyo.

Hindi ko na siya sinagot at nagdm na lang sa IG ni Alysane para sabihin na pupunta ako sa department nila ngayon. Iaabot ko yung jersey ko. Pumayag na kasi akong sumali sa ml tournament. Dalawa pinagawa ko, hindi kasi ako magaling sa basketball kaya wala akong jersey before na pwedeng ibigay kay Alysane.

"Pre, andoon din si Trina. Malay mo magkausap ulit kayo."

"Who's Trina?" Sorry, hindi ko talaga maalala

"Yung pinsan ni Jayvee. Napakarami kasing babae" Rinig kong pang-aasar ni Alfred. Tinawanan ko na lang at hindi na pinatulan.  Nagreply na rin kasi si Alysane.

"Sige sige, pre. Una na rin ako" paalam ko at kinuha na ang wallet ko at notes na nasa lamesa. Hindi ko na rin naintindihan sinasabi ni Alfred.

Excited ako ibigay kay Alysane 'tong jersey. Paano na naman kaya magpipigil ng kilig yun? Ako ang nawawalan ng angas amp.

"Sorry" paghingi ko ng pasensiya sa nabunggo ko. Pinulot ko ang mga gamit ko, tinulungan din naman niya ako.

"That girl on your wallet, is she your girlfriend?" Tanong ng lalaking nakabungo ko. Mukhang ka edad ko lang naman. Matangkad din pero lamang pa rin ako ng mga 2 inches, siguro. Engineering course ko, magaling ata ako magsukat.

"Ah...  Hindi, pre." Nakangiti kong kinuha ang wallet ko sa kanya at tiningnan ang picture namin ni Alysane noong sumakay kami sa rio grande. "Ni---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nagsalita na agad siya.

"Ah.. so is she your sister? I mean that girl kiss me on the bar one time. Can you introduce me to her?"  Dirediretsyo niyang sabi.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko.
"No" madiin kong sabi, nagpipigil ng galit. Itinabi ko ang walet ko sa bag at ang dala kong notes. Baka nagkakamali lang siya.

"Oh! Sorry, nadulas ba ako? You better keep an eye to your sister" Sabi niya na para bang sinusumbatan ako sa pagkukulang ko.

Tangina. Naiyukom ko ang kamao ko, pinipigilang kumawala ang inis at galit na nararamdaman ko. Masyadong nakakabanas ang lalaking 'to.

"She's not my sister. She's mine " pinilit kong magmukhang kalmado sa kabila ng galit na nararamdaman ko

"Oh! I thought she's not your girlfriend. Ah.. well, typical bitch" tumango tango pa siya at inayos ang salamin niya.

"She's not a bitch! Alysane could never do that"  Tumataas na ang boses na sabi ko.

"Well she just did. Admit it, bro. She's a bi---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

" What the fuck" galit na sabi niya habang nakasalampak sa sahig. Kinuha niya ang salamin niyang nahulog. Tumayo siya at sinuntok din ako sa mukha.

"What's wrong with you? Kung galit ka sa girlfriend mo, huwag ako ang suntukin mo. Bobo" Malakas na sigaw niya, masama ang tingin sa akin. Dahilan para pagtinginan kami ng mga tao sa cafeteria.

Wala akong pakialam, mas masama ang loob ko kaysa sa tingin ng kahit na sino ngayon. Susuntukin ko na sana ulit ang kupal na 'to ng pigilan ako ni Alfred.

Creative Sparks: Story Of A No-label RelationshipWhere stories live. Discover now