Kabanata 7
Bed
Labag man sa konsenSya ay bumalik ako sa loob. Tumabi ako agad kay Argo at umasbyerte sa kaniyang mga braso bago ko ito bahagyang tinapik.
"Ikaw naman para sandali pa lang akong nawawala miss mo na agad ako!" Lantaran ko pang kinurot ang tagiliran niya na siyang hindi napigilang makiliti.
"The fuck!" Pigil niya sa akin. Hindi nakaligtas sa'kin ang ngipin niyang kumawala dahil sa ginawa ko.
Ah, malakas pala ang kiliti mo d'yan. Muli kong inulit ang ginawa at ngumisi dito.
"Stop it!" Hinuli na nito ang kamay ko matapos ay tumiim ang tingin sa'kin. "What the fuck are you doing? Really in front of my family and maids?" bulong naman nito.
Ngumisi ako. "Eh, saan mo ba gusto?" I whispered back.
Nakita kong namula ang pisngi nito na siyang hindi nakaligtas sa'kin. Kaya humarap ako sa mga magulang niyang nasa lamesa pa rin.
"Saan ho ba ang magiging kwarto namin?"
*****
Nilibot ko ng tingin ang guest room na nasa ikalawang palapag. Nasa may third floor pa raw kasi ang silid ni Argo. Hindi na iyon ang binigay nilang silid sa'kin dahil baka raw mahirapan akong magpanhik panaog kung sakali lumaki na ang tiyan ko.
This room is huge alright. Gaya ng mga nakikita kong silid sa pelikula at internet. Ganitong ganito 'yon. Mula sa malahiganteng kama na may kurtina pang nakasambit sa magkabilang gilid. Ang carpeted floor at may malaking bintana at balkonahe. Hindi rin nagpahuli ang chandelier na tila bentahe ng kanilang mansyon.
"This will be your room, ipapadala ko na rin ang mga gamit ni Argo dito mamaya lang."
Nilingon ko ang ginang na siyang tila natutuwa rin habang nlilibot ng tingin ang buong silid.
"Ah, hindi ho ba nakakahiya kay Argo? Alam ko pong napipilitan lang siya dahil nabuntis n'ya ako. Mas mabuti ho sana kung hindi na lang siya dito matulog ngayong gabi. Ayos lang po talaga ako dito."
Nakita kong ngumiti ito. Naupo ito sa kama at tinapik pa iyon upang sumunod ako ng upo sa tabi n'ya.
"Ayaw mo bang makasama si Argo sa pagtulog?" Marahan niyang tanong.
"Aba'y syempre gusto ho. Sino ba naman ang tatanggi sa mala-bench body niyong anak?!" Walang preno kong sinabi.
Narinig kong humagikgik ito ng mahina kaya napakamot ako sa noo. Paano'y kanina pa ako kinakain ng guilty. Kulang na lang ay kainin ako ng malambot na kama sa mga kabulastugan ko.
"May pagka-istrikto lang ang anak ko na 'yon, pero pasasaan ba't magkakasundo rin kayo."
Tinitigan ko ito. Hindi ko makikita sa kaniya na galit siya sa nangyari lalo na sa kinahinatnan ng kasal ng anak niyang si Argo. Inaasahan ko nga na ipapalaglag nila ang bata kung sakaling totoo nga para matuloy lang ang kasal nila ni Florisse. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung boto ba ito kay Florisse?
"Salamat ho sa pagpapatuloy n'yo sa'kin dito. Pero hindi na ho ba ako pwedeng bumalik sa condo ni Argo? Mas komportable ho kasi ako doon. Saka baka isipin n'yo po na pera lang ang habol ko kay Argo. Hindi ho!" Sunud-sunod akong umiling dito.
"Si Argo lang ang nag-iisang tigapagmana ng lahat ng negosyo ng pamilya. Ang kapatid niyang si Austin ay walang hilig sa negosyo kaya't hindi namin iyon maasahan sa ganitong mga bagay. Sobrang mahalaga sa amin lalo na sa'kin ang malaman na dinadala mo Isa sa magmamana ng lahat ng yaman ng Greensmith."
Tila may tumusok sa sulok ng puso ko. Ito naba ang sinasabi nilang konsensya? Itatakwil ba ako ni San Pedro at masusunog na ba ako sa impyerno? Mariin ang naging pag-iling ko.
BINABASA MO ANG
Argo Greensmith
General FictionArgo GreenSmith Natalia Punongbayan. Is an extraordinary girl. Kapag sinabing extra. Malamang higit pa sa normal ang kaya niyang gawin. She can ruin the life of other just by stepping into their life. Dahil palos kung ituring siya ng mga kaibigan ay...