Kabatana 12
Condo
Habang daan pauwi ng kaniyang condo ay tahimik lang ako. Hindi pa rin kasi mawaglit sa isip ko ang nalaman tungkol sa kanila ni Florisse.
Kung talagang matutuloy pa ang kasal nila ay baka pwede na akong umiskapo? Ihahanap ko na lang siguro siya ng bata na pwedeng ampunin para ibigay sa kanya.
Ngunit nagtatalo ang isip ko kung iyon ba talaga ang tamang desisyon. Isa pa baka hanapin nito sa'kin ang milyon-milyon na perang binigay n'ya. Tiyak na sa kulongan din ang bagsak ko kapagtapos kong makapanganak. Tiyak na iyon ang plano ni Argo kaya hindi pa rin n'ya ako pinapakawalan.
Sinulyapan ko ito habang tahimik na nagmamaneho. Ang kilay nitong pirming magkasalubong ay tila wala na yatang balak pang tumuwid ng ayos.
Gayon pa man ay nuknukan pa rin ito ng gwapo. Akala ko sa mga telenovela ko lang makikita ang mga ganitong itsura pero heto nasa tabi ko na lang ngayon. Hindi nga ito nalalayo sa itsura ni Burak Ozcivit ng Turkish at ni Richard Gomez naman ng Pinas. Kung pwede ko lang sanang pisil-pisilin at haplos-haplosin ito ay ginawa ko na.
Kumurap ako nang bigla ito lumingon sa'kin. My heart thumping so hard as we exchange look for a seconds. Muli niyang ibinalik ang pansin sa daan habang nakita ko pang umigting ang panga kapagtapos.
I can't believe my heart skipped on its beat as I watch him more. Shit na malagkit Natalia, 'wag mong sabihin attracted ka na kay pogi?
"You've been watching me the whole time. May gusto kabang sabihin?"
Lumunok ako't mabilis na umiwas ng tingin. "Sabi ko ang gwapo mo."
Argo furrowed his brows. "What?"
"Ang sabi ko gwapo ka kayang lang bingi ka!" Ulit ko.
"I already know that." Argo smirked at me.
"Na bingi ka?"
Lumingon ito sa akin. Mas lalong nangunot ang dalawang kilay n'ya sa akin.
"Oo na gwapo ka na!" Ngumuso ako dito.
"Good..."
Iyon lang ang tangi kong narinig mula dito nang makapasok na sa loob ng bakuran ng condominium ang sinasakyan naming kotse.
Agad na akong bumaba at kinuha ang maleta kong dala. Ngunit inagaw niya ito mula sa'kin at siya nang magbibit hanggang makapasok na kami ng elevator.
"Natalia!"
Tumingala ako sa banda ni Marco nang makita kami pumasok sa looob.
"Oh, Marco. Kamusta?"
Gwapong gwapo ito sa suot na office suit tiyak na galing ito ng opisina at kakauwi lang.
"Ito galing trabaho. Mukhang galing kayo ng bakasyon, ah?" Bumaba ang tingin niya sa maletang hawak ni Argo.
Tipid ako ngumiti dito. Paano'y napansin kong magkasalubong na naman ang kilay ni Argo habang hawak ang handle ng aking maleta.
"Oo galing kami sa bahay ng parents niya." Hindi ko na napigilan pang sagotin ito.
Tumango naman ang huli. Mabuti ay narating na namin ang tamang floor kaya naghiwalay na rin kami ng landas.
Nang makapasok kami ng kaniyang unit ay diretso itong pumasok sa aking silid para dalhin ang aking maleta doon.
Sumunod naman ako agad dito at pumasok sa loob. Natiligilan ako nang hindi bukas ang ilaw doon lalo pa nang higitin ni Argo ang dalwang balikat ko para isandal sa gilid ng pader.
BINABASA MO ANG
Argo Greensmith
Narrativa generaleArgo GreenSmith Natalia Punongbayan. Is an extraordinary girl. Kapag sinabing extra. Malamang higit pa sa normal ang kaya niyang gawin. She can ruin the life of other just by stepping into their life. Dahil palos kung ituring siya ng mga kaibigan ay...