Kabanata 13
Sinigang
Agad akong naligo at nagtungo nga sa grocery. Kahit may mga stock na doon ay wala naman doon ang rekado na lulutuin ko para sa masarap na hapunan. Dahil natikman ko ang kare-kare na luto sa bahay nila Argo ay iyon ang plano kong lutuin kasama ng sinigang na baboy.
Mataman akong namimili sa grocery store habang tulak ang push cart nang may tumawag sa aking pangalan.
"Natalia!"
Nilingon ko ang boses na tumawag sa'kin at nang makilala ito ay siya akong nilapitan.
"Andra! Kamusta?"
Ito busy sa bagong negosyo. Ikaw ang tagal na rin mula noong nagkita tayo. Remember first yeear college pa tayo no'n! Kamusta ka naman? Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"
Bumaba ang tingin nito sa pinamimili ko at ngumiti sa'kin.
"Ito namimili ng iluluto ngayong hapunan." Kibit balikat ko. Wala naman kasi akong maibibida. Hindi naman ako nakapagtapos ng college at wala rin akong maiku-kwento dito.
"May asawa ka na?"
Agad na lumuwang ang ngiti ko dito. "Oo, sa katunayan nga malapit na kaming ikasal!"
"Wow! Talaga? Buti kapa nakahanap ka na ng mapapangasawa samantalang ako ito mukhang tatanda nang dalaga dahil subsob sa trabaho." Humagikgik pa ito matapos iyon sabihin.
Sa totoo lang ay wala itong pinagbago. Masiyahin pa rin at sexy. Ito ang campus girl namin noon, ngayon pa rin naman ay maganda ito at malakas ang dating.
Mas bumagay nga sa kaniya ang maikling buhok na dati'y halos umabot na ng kaniyang bewang dahil sa sobrang haba ngayon ay halos nasa balikat na lamang ang haba no'n.
"Saan ka pala nagta-trabaho ngayon?" tanong ko habang kasabay ko na siyang magtulak ng push cart.
"May bago akong bukas na restaurant d'yan sa lungsod. Swerte nga't pumangatlo na ang restaurant namin. Actually may opening kami sa Sunday pwede ka ba pumunta?"
"Sure, hindi naman ako busy e!" Bahagya pa akong ngumiti dito.
"Isama mo na rin ang boyfriend mo. Gusto ko siyang makilala, tutal inimbitahan ko rin ang mga classmate natin noon college. Isa na doon si Prince. Diba iyon yung masugid mong manliligaw no'ng college tayo?"
Tumango ako dito. Si Prince. Ilang beses ko nga ba itong binasted noon dahil sa tingin ko ay magkalayo ang estado ng buhay naming dalawa kaya hindi ko siya makuhang sagotin noon.
"Hindi ba nakakahiya?" Nag-aalangan kong sinabi.
"Sus, hindi no! Baka nga magka-mini reunion pa tayo kung sakali. Saka may asawa na ngayon si Prince, kung 'yan ang iniisip mo."
Tumango lang ako dito. Iniisip ko kung paano ko maisasama si Argo sa opening ng restaurant n'ya. Parang dumagdag pa tuloy ito sa intindihin ko.
"Can we exchange number? Ang tagal na kasi kitang hinahanap sa social media pero hindi kita makita."
"Hindi kasi ako mahilig mag internet." Kumamot ako ng ulo. Ang totoo kasi sa dami ng kalokohan ko ay talagang mailap ako sa social media. Mabuti nga ay hindi masyadong kumalat ang mukha ko sa TV noong sinira ko ang kasal ni Argo Florisse.
Naka-blurred ang ilang kuha ko sa TV. Isa pa wala ring kumalat na pictures ko no'n. Baka marahil ay ayaw rin ipagkalat ng pamilya at kamag-anak ang issue na 'yon. Pero hindi pa rin maiwasang dumami ang shares ng naturang video sa social media kaya ingat ako gumamit ng fb o kahit twitter.
"Really? Dapat masanay ka na mag-internet para palagi kang updated sa mga balita. Anyways, kung kumain muna kaya tayo, tutal lunch na rin naman. Treat ko!" Ngumiti ito sa'kin.
BINABASA MO ANG
Argo Greensmith
General FictionArgo GreenSmith Natalia Punongbayan. Is an extraordinary girl. Kapag sinabing extra. Malamang higit pa sa normal ang kaya niyang gawin. She can ruin the life of other just by stepping into their life. Dahil palos kung ituring siya ng mga kaibigan ay...