Kabanata 10

1.1K 59 1
                                    

Kabanata 10

Sexy

Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa mga oras na ito. Hindi ako makapaniwalang natumbok ni Argo ang sinabing iyon ni manang. 

Shit na malagkit Natalia. Sana naman huwag niyang isipin na pinagpapantasyahan ko siya araw-araw at gabi-gabi. Kinagat ko nang mariin ang mga labi at isinantabi ang alalahanin na 'yon.

Matapos kong makapagbihis ay bumaba na ako para tungohin ang komedor. Doon ay naabutan ko si Argo na nakaupo na sa isa sa mga silya doon. Nasa harapn niya ang kaniyang laptop habang ngininguya ang miryendang gawa ni manang.

Tahimik naman akong naupo sa harapan n'ya at sumandok ng lasagna na gawa ni manang. Hindi ko mapigilang titigan ito habang nakasuot ng reading glasses habang nakatutok sa kaniya ang monitor ng kaniyang laptop.

"Done checking on me?" 

Kumurap ako nang ibuka n'ya ang mga labi habang hindi inaalis ang tingin sa monitor. I cleared my throat first and shifted my eyes.

"Ang gwapo mo kasi..." I murmured.

Alam kong narinig n'ya ang sinabi ko dahil nang sumulyap ako dito'y nakita kong bahagyang umangat ang gilid ngkaniyang labi habang nasa monitor pa rin ang pansin.

"Ang sarap ng food no?" wika ko pa.

Doon na umangat ang tingin n'ya sa'kin, ako naman ay sinusupsop ang noddles na gawa ni manang.

Argo stay and stared at me... at my lips. Napuno kasi 'yon ng sauce at cheese. Doon ko naisipan pasadahan ng dila ang gilid ng aking mga labi at bahagya pa 'yon pinunasan gamit ang aking hintuturo at sinubo ang daliri. I make sure na makakagawa ng ingay ang ginawa ko para tablan ito't gumana ang aking mga plano.

Agad na isinarado ni Argo at kaniyang laptop at diretso ang tingin sa'kin.

"Ganyan kaba talaga kumain?" Inaasahan kong maakit ito sa ginawa ko, pero mukhang mali ako. He looked disgust and irritated.

Tumuwid ang likod ko sa silya. Dahan-dahan hinila ang tissue towel na nasa gilid ng lamesa. Nagpunas ako ng bibig at pinagpatuloy na lang ang tahimik na [agkain.

Sunget, kulang na lang may buwanang dala ito kung pagsungitan ako, hmmp...

Tumayo na rin ito at hinila ang kaniyang laptop matapos makailang subo ng lasagna. Sinundan ko ito ng tingin na tumungo sa may likod bahay.

Mabilis ko naman tinapos ang pagkain at pinasyang dalhan ito ng juice.

Tahimik kong nilapag sa may lamesita ang juice na dala at sinulyapan itong abala muli sa kaniyang laptop. Kumunot ang noo ko, diba nasa trabaho ito? Bakit naman siya umuwi tapos dito mag dudu-dot-dot?

Nangalumbaba pa ako sa lamesa habang sinisilip ito mismo sa aking harapan. Tanging mata lamang n'ya na nasa likod ng reading glasses ang nakikita ko na siyang nasa monitor pa rin ang buong atensyon.

"Titigan mo na lang ba ako maghapon?"

Narinig kong bigkas niya. 

"Feeling ko kasi, pinaglilihihan kita." Wala sa loob kong biro.

Umangat ang tingin niya sa'kin matapos ay napansin kong tumaas ang kilay. Binaba niya ang laptop at tumitig sa mga mata ko.

Parang gusto ko naman umatras nang pakiramdam ko'y nakikipagtagisan ito ng tingin sa'kin.

"Which part of my body?" 

Tila may bell na tumunog sa utak ko't nagsindi pa ng bulb light nang marinig ang kaniyang tanong.

Argo GreensmithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon