Kabanata 4
Tinola
I shut my eyes and feel his hard chest and warm hug. Parang gusto kong habang buhay nalang na nasa kaniyang mga bisig.
Grabe ang bango n'ya. Siguradong mamahalin ang pabango n'ya, tulad n'ya na mukhang mamahalin ko na yata?
"What are you doing?!"
Napangiwi ako nang gagapin nito ng mahigpit ang aking dalawang balikat at inilayo sa kanya na parang napapaso or should I say nandidiri.
"What the fuck are you doing?!" Ulit niya na may pagka-irita na sa tono ng boses.
"I'm sorry. Yung alaga ko kasing aso si Argos? Namatay kanina.." mahina kong sinabi.
"What? Argos?" Halos magsalubong ang kilay nito nang ulitin niya ang pangalan ng aking aso.
"Yeah, what a co-incidence huh? Magkapangalan pa kayo ng puppy ko." Marahan kong pinunasan ang luhang umalpas sa aking mata at bahagyang ngumisi.
Luka! Sa dinamirami nang pwedeng ipangalan sa imaginary pet mong namatay Argos pa?!
Umiling lang ito sa akin bago ako bitiwan. Binuksan nito ang kaniyang suite at diretsong pumasok doon sa kusina.
Bitbit ang mga gamit ko'y binaba ko ang lahat ng iyon sa carpeted floor.
Bumalik ito na may dalang baso ng tubig na siya inabot sa akin. Marahan ko naman itong kinuha at inubos sa isang tungaan lang.
"Salamat." Nahihiya kong binaba ang baso sa mesita.
"Iyan naba ang lahat ng gamit mo?" tanong nito na nasa gamit ko na ang pansin.
"Hmm." I nodded.
Isang buntong-hinga lang ang pinakawalan nito bago tumalikod ngunit agad ding pumihit paharap at sinalubong ang mga titig ko.
My heart almost stop as I noticed his dark and warm eyes darted on me.
"I'll be at my room. Cook for yourself, bahala ka kung ano gusto mo, basta ayoko ng istorbo," aniya bago na ako talikuran.
Nag-atubili muna ako bago magsalita, "Ah, saan pala ang magiging silid ko?"
Pumihit ito at sinalubong muli ang aking mga titig.
"What would you expect, na sa silid ko ikaw matutulog? That would be imposible!" Naiirita nitong sagot.
Ngumuso ako, "Nagtatanong lang e, sungit." pabulong kong sinabi.
"Doon ka sa pangatlong pinto." Turo nito sa kaniyang kanan kung saan nakaharap sa sala ang pinto nito na siyang katabi naman ng kitchen.
Binitbit ko na ang mga dalahin ko at diretso nang pumasok sa silid na inilaan n'ya sa akin. Namangha ako sa buong silid dahil feeling ko nasa five star hotel ko dahil sa bongga ng silid.
I can't believe that this room has a 50 inch flat screen TV and a personal refrigerator inside. Nilasap ko pa ang malamig hangin na binubuga ng aircon at namangha sa malaking glass window na diretso sa balkonahe.
Ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kama at pumikit ng mariin. Hindi ko mapigilang sumilay ang mapait na ngiti sa labi. Hindi ba dapat masaya na ako? Because this is the life that I wanted to be. The life that I've dreamt about. Pero bakit parang hindi ko kayang lunukin ang katotohan na kung bakit ako narito't nakahiga sa malambot na kama.
I know that this is just a temporary, lalabas at lalabas din ang totoo na hindi ako buntis at walang namagitan sa amin noon pa man.
Pinatong ko ang braso sa aking noo at mariin na kinagat ang ibabang labi. But how could he even believed na nabuntis niya nga ako? So, ibig sabihin hindi talaga siya naging tapat sa fiancee' n'ya noon pa man. Or the worse thing is marami siyang nai-kama na babae habang sila pa ni Florisse?
BINABASA MO ANG
Argo Greensmith
Narrativa generaleArgo GreenSmith Natalia Punongbayan. Is an extraordinary girl. Kapag sinabing extra. Malamang higit pa sa normal ang kaya niyang gawin. She can ruin the life of other just by stepping into their life. Dahil palos kung ituring siya ng mga kaibigan ay...