Kabanata 5
Dead
It's been a week matapos kong lumipat dito. Hindi na ako bumalik pa sa apartment dahil iniiwasan kong magtagpo kaming muli ni Rosario.
Sa totoo lang pinatawad ko na siya pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa pera na nalustay niya. If Argo knows about it, tiyak na patay kaming pareho at sa kulungan ang bagsak namin.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at umayos nang higa sa sofa. Tapos na ang lahat ng gawain ko dito sa bahay, nakapag laundry na ako't nakapaglinis ng buong bahay. Hindi kasi dumating si Manang Mareng para kunin ang laundry ngayong araw. Kaya't ako na ang gumawa no'n tutal ay wala naman akong ibang gagawin dito
Sinulyapan ko ang wall clock, pasado alas tres na ng hapon kaya't naisipan kong gumawa ng sopas dahil may nakita akong noodles doon at pwedeng isangkap dito. Pakanta kanta pa ako habang hinahalo ang sabaw na malapit nang kumulo.
Doon ako nakarinig ng suud-sunod na doorbell. Kumunot ang noo pagkat hindi pa oras ng labas ni Argo sa opisina. Bumalik na ito opisina matapos ang Isang linggo niyang bakasyon kaya tiyak kong hindi si Argo ang nasa labas.
Sinilip ko muna sa pinto ang kumakatok at namataan ko ang isang ginang na katabi ni Aling Mareng.
Kumunot ang noo ko. Dapat ko ba silang pagbuksan? Ngunit pinanay-panay na ng ginang ang pagpindot sa doorbell.
Tutal ay naroon naman si Aling Mareng tiyak na kilala rin ni Argo ang kasama niyang ginang.
Binuksan ko ang pinto at ngumiti kay Aling Mareng.
"Aling Mareng, buhay pa pala kayo? Akala ko napano na kayo dahil hindi kayo nakarating kanina!" Masigla kong bati dito.
"Kung tapyasin ko kaya 'yang dila mo?" Pinandilatan ako nito kaya ako ngumiti.
Doon naman bumaling ang tingin ko sa ginang na kasama n'ya.
"Ah, hindi mo naman sinabi na may kapalitan ka na kaya hindi ka nakarating kanina. Siya na ba ang bagong tigalinis dito at tigalaba?" tanong ko matapos kong suyurin ng tingin ang ginang na kasama n'ya.
Pero natigilan ako nang mabisita ko ang pustora niya at ang mamahalin na bag na bitbit nito. Hindi lang iyon mukhang mahal maisasanla ang mga gold nitong suot sa leeg at taenga. Nag-aagaw na ang puti at kulay itim nitong buhok at may payat na pangangatawan na bumagay sa kaniyang katamtamang katangkaran. May matangos rin itong ilong at malamlam na mga mata at may mga labing nakatiim.
"Are you the woman who crashing into my son's wedding?" The old lady asked me with squinted eyes.
Lumunok ako at hindi agad nakasagot.
*****
Nakaharap ako sa stove habanag tumitipa ng mensahe kay Argo. Kanina ko pa ito tinatawagan pero hindi n'ya sinasagot ang kaniyang telepono.
Ibinulsa ko ang aking cellphone at hinila na ang tray na may lamang mangkok ng sopas at dinulog sa dalawang ginang na nasa may living room.
"Ah, baka po gusto n'yo munang mag sopas. Bagong luto lang po 'yan." Naupo ako sa kaharap na silya nang mismong mommy ni Argo at bahagyang ngumiti dito.
Nakita kong tumaas ang kilay niya sa'kin at tila nandidiring ibinaba ang tingin sa sopas na gawa ko.
Aling Mareng tasted he soup. Gumawi ito sa ginang matapos ay may ibinulong sa ginang na katabi.
Doon naman kumilos ang ginang at marahang dinampot ang kubyertos upang tikman ang soup na gawa ko. Nakita kong kumibot ang kaniyang mga labi matapos ay buong rahan niyang ibinaba ang kubyertos.
BINABASA MO ANG
Argo Greensmith
General FictionArgo GreenSmith Natalia Punongbayan. Is an extraordinary girl. Kapag sinabing extra. Malamang higit pa sa normal ang kaya niyang gawin. She can ruin the life of other just by stepping into their life. Dahil palos kung ituring siya ng mga kaibigan ay...