Nagfile ng 1 week leave si Kiara sa tranaho dahil sa pag eescort niya ng isang linggo, nagdahilan nalang siya sa manager niya at nangakong bubudget na siya this month na sa palagay niya ay kayang kaya niya dahil mid of the month palang ay 10k nalang kailangan niya para bumadget.
Napakiusapan naman niya ang mga kliyente sa mga session nila at babawi nalang pag balik niya.
Walang nakakaalam ng pupuntahan niya kung hindi si Virge lang.
Ang paalam sa pamilya ay may training siya for 1 week para sa work.
Bago siya nagtungo sa airport ay inayusan siya ni Virgie.
Pinahiram siya nito ng mga damit. Hindi siya komportable sa suot na above the knee na black dress at litaw ang clevage niya. Hakab na hakab sa katawan niya ang suot.
She tried to walk with confidence so it's a good impression para maganda ang impresyon sa kanya ng kliyente niya. Napapansin niyang maraming kalalakian ang napapalingon sa kanya, so confident siya na papasa siya sa kikitaing kliente.
Sabi ni Virgie ay Clay de Guzman daw ang pangalan nito at nakasuot daw ito ng blue longsleeve at hihintayin daw siya nito sa loob ng isang french cafe na sa loob mismo ng airport.
Kinakabahan man sa gagawin ay pinagkatiwala niya ang kaligtasan kay Virgie at anumang mangyari ay ready siya. Kahit papaano ay marunong siya ng self defense.
Pagpasok niya ng cafe ay isang table lang ang okupado at mukhang kakabukas lang nito.
Sinuri niya ang paligid at wala pa ang kliyente pumasok siya at para hindi nakakahiyang palabasin siya ay nag order siya na regular na Un Déca an DECah, isang decaffenaited version ng expresso. Minsan na kasi siyang dinalhan ni Sir Marco noon kaya nagustuhan niya.
May kamahalan nga lang pero wala siyang choice dahil nakakahiyang umupo ng walang inoorder.
Lalo ata siyang kakabahan sa inorder na kape. Hindi siya mapalagay na hindi niya mawari dahil sa isiping sa loob ng isang linggo isa siyang escort girl kahit na walang sex pero escort girl parin siya.
Kailangan na ng operahan ang ina sa susunod na huwebes kaya kailangan niyang gawin ito. Kahit papaano ay lumuwang ang dibdib niya sa isiping hindi niya ibebenta ang puri niya.
Naubos na ang order niya wala parin ang Clay na yon at ng tingnan ang hawak na mumurahing cellphone ay mahigit kalahating oras na siyang naghihintay.
Pumunta muna siya toilet para ayusin ang sarili at doon ay nagretouch dahil malayo layo din ang binyahe niya papunta airport na. Maaga pa siyang gumising dahil maaga ang flight daw nila na pupuntahan nila sa isang private island sa Cebu.
Pabalik na siya ng upuan ng makitang nakaupo ang lalaking naka asul na longsleeve sa inupuan niya at nakatalikod ito sa gawi niya.
Sigurado siyang ito na nga ang kliyenteng inaantay. Bumundol ang kaba niya.
Kailangan niyang lakasan ang loob na iapproach ito.
Matangkad ito at malapad ang nga balikat nito at mukhang nakasuot ito ng sunnies
" Excuse me Sir. Are you Mr. Clay De Guzman? kinakabahang tanong niya dito.
Nasa tagiliran niya ito kaya hindi niya makita ang mukha ng maigi.
Tumayo ito at humarap sa kanya.
Napatda siya ng tanggalin nito ang suot na sunnies.Parang gusto niyang lamunin siya ng lupa.
Owww look who's here! What a surprise. Nakakatunaw ang titig nito sa kanya mula ulo hanggang paa.
Mukhang may kakatagpuin ka ata dito Ara baby! ngising nito sa kanya
Wala ako sa mood na makipag usap sa'yo. Don't call me that naiirita ako pag ikaw ang nagsasabi noon.
Nakakaistorbo ka sa appointment ko pagdadahilan niya.
Bakit sa lahat ng longsleeve na suot ng hudas nag asul na polo longsleeve pa ito.
Mukhang magbabakasyon kadin sa dala mong maleta ah? puna nito.
Hindi niya ito inimik, sa lahat naman ng taong makikita ngayong araw na ito, itong peste na ito ang makikita niya. Hindi siya pweding umalis dahil doon ang meeting place nila ng kliyente.
Biglang may pumasok na lalaki sa cafe at nilapitan si Blake.
Sir naghihintay na po ang chopper papuntang isla nasa loob na po ang piloto.
Susunod na kami Manong.
Narinig niya ang usapan ng mga ito. Mukhang may inaantay din itong kasama katulad niya.
"Lets go Ara nandito na ang chopper bilisan mo. I have no time sa mga magiging complain mo, narito kanarin pagtitiyagahan nalang kita may himig na panunuya ang himig nito.
Biglang parang lumaki ang ulo niya sa sinabi nito.
Anong ibig mong sabihin naguguluhang sabi nito.
Sumunod ka nalang sa akin at chopper ko nalang sasabihin humanda ang Clay na yon.
Ayokong sumama sa'yo panlalaban niya dito.
Huwag mong sagarin pasensya ko. Kung ayaw mong sumama sa akin mas naman ako gigil na sabi nito.
Wala lang akong choice dahil akalain ko bang ikaw pala ang escort na nakontak ng kaibigan ko.
Kung alam ko lang sa umpisa I already cancelled you.
Bigla siyang nanliit sa sinabi nito ganoon nalang ang galit ng lalaking ito sa kanya.
Gusto pa niyang magmatigas dahil nasaktan siya sa sinabi nito dahil nakakapanliit iyon sa pagkatao niya.
Iniisip nalang niya ang nalalapit na operasyon ng Ina. Hindi siya pweding naging selfish.
Napakagaspang ng ugali ng lalaking yon hindi man siya tinulungan sa dalang maleta. Heto siya hihika hika dahil sa suot na high heels. Hindi naman niya sukat akalaing lalakarin nila ang kinaroroonan ng chopper at may kalayuan pala iyon.
Akala niya airplane ang sasakyan, chopper pala.
Hingal na hingal na siya pagdating sa loob ng chopper. Ang walang hiyang lalaki pinabayaan siyang pumanhik mag isa bitbit ang maleta buti nalang at bumaba ang piloto noon at kinuha ang kanyang mga gamit at inanalayan siya sa pagsampa.
Salamat sa tulong sinserong pasasalamat niya dito.
Nginitian siya nito at nagpakilala ito sa kanya. Ng magpapakilala na siya sa piloto ay lumapit ang hudas na lalaki.
Captain let's go, mamaya na magpapakilala ang girlfriend ko sabay akbay sa kanya ng pagkahigpit.
Biglang nabigla ang batang piloto. Pasensya na po Sir Blake hindi ko po alam na nobya nyo po si Mam paumanhin nito.
Tumango lang ito sa piloto at pagkatalikod nito ay inalis na nito ang pagkaakbay sa kanya.
Be careful when you're around my friends. Binabalaan na kita ngayon palang na behave your self, don't flirt with any of them like what you just did.
Dahil narin sa pagod ay wala na siyang lakas para makipag away dito at kinakabahan siya dahil unang beses palang niyang sasakay ng chopper at never in her life na samakay siya ng eroplano.
Namutla siya habang pataas ang lipad ng chopper.
Sana'y hindi siya magsuka sa loob ng chopper. Hindi niya kayang tingnan ang ibaba dahil natatakot siya.

BINABASA MO ANG
My Sassy Personal Trainer
RomansNg malaman ni Blake na may planong pakasalan ng Tito Marco niya ang social climber nitong batang batang personal trainer na nobya ay to the rescue agad siya para ilayo ang babae dito. He will do everything to protect his uncle from her kahit na ipa...