Kakababa lang nila ng chopper at nanlalambot pa ang tuhod niya.
Sa takot sa ere ay nayakap niya ang bruskong lalaki wala siyang choice kailangan niya ng makakapitan dahil takot na takot siya na parang masuka at mahihilo habang sakay nito.
Kahit papaano ay hinayaan siya nito at sa buong biyaheng nakasiksik dito. Pinagalitan siya nito ng mapatili siya ng medyo umalog ang chopper dahil mag iiba ito ng direksyon.
Mukhang parang nabingi ito sa lakas ng tili niya.
Kahit papaano she felt comfort at may puso naman ito.
Napakabango nito at nawala ang takot niya habang yakap ito.
Ng bumaba na ang chopper ay hindi niya namalayan.
Ara baby okay na, nasa isla na tayo, nakatsansing kana sa akin sa buong biyahe ngisi nito sa kanya.
Is your breast are real ngisi nito sa kanya habang doon nakatingin at ng mapansin halos nakaluwa ang dibdib sa suot.
Hindi siya mapipikon dito. Yes they're real, ngayon ka lang ba nakakita ng totoong dibdib na hindi silicon.
Can I have a look para malaman kong hindi nga silicon mapanuksong sagot nito.
Bastos! pikon na sagot niya dito.
Kasalukuyang nasa isang van silang dalawa papunta sa resort ng private island.
Wala silang kibuan sa loob ng van kaya inabala nalang niya ang sarili sa pagmamasid sa kagandahan ng lugar.
Nasa Ariara Private Island sila. Tunay na napakaganda ng lugar wala pang naglalakihang mga hotels at kumbaga ay dalisay pa ang isla.
May nadaanan din silang falls na gusto niyang puntahan at mangilan ngilang bahay at mga private na resort.
Naka upo ang lalaki sa harap ng van at kausap nito ang matandang lalaking nagmamaneho ng sasakyan.
" Pagbaba nila ng resort ay namangha siya sa gara nito. Sinong mag aakalang may napakagandang resort sa gitna ng islang ito. Napapaligiran ito ng mga nagtataasang niyog.
May mga nakikita siyang panauhin na mukhang kakilala ni Blake na bumabati sa kanila. Lagi siyang may ngiting nakahanda.
Ng magpunta sila sa reception ay binigay na kaagad ng receptionist ang susi sa lalaki.
Kita niyang kilig na kilig ang mga receptionist habang kausap ng binata.
Hindi naman niya masisi ang mga ito dahil napakagwapo naman talaga nito.
Sumunod siya dito. Tumigil sila sa pinakadulong beach guest house. Ng pumasok sila sa loob ay wala itong silid. Halos yari sa kahoy ito pero napaka moderno ang mga kagamitan nito.
Kumpleto ang mga appliances at kagamitan nito. Mayroon din itong maliit na modern kitchen.
Iisa lang ang kama at kailangang share sila sa bathroom at shower.
Pumunta siya sa maliit na balcony nito napakaganda ng lacation nila dahil sa tabi sila mismo ng beach.
Hindi niya namalayan dahil sa pagod at preskong ihip ng hangin ay nakatulog siya sa bench ng balcony.
Hapon na ng magising siya at medyo masama pakiramdam niya.
Pagpasok niya sa loob ay nadatnan niya ang lalaki na nakahiga sa kama at mahimbinh na natutulog. Suot pa nito ang damit kanina at sapatos nito.
Gutom na gutom na siya at masama pa ang pakiramdam niya sa biyahe.
Dalawang libong piso lang ang dala niyang pera dahil sabi ni Virge hindi daw siya kailangang magdala dahil sagot daw lahat ng kliyente.
BINABASA MO ANG
My Sassy Personal Trainer
Storie d'AmoreNg malaman ni Blake na may planong pakasalan ng Tito Marco niya ang social climber nitong batang batang personal trainer na nobya ay to the rescue agad siya para ilayo ang babae dito. He will do everything to protect his uncle from her kahit na ipa...
