Sa araw ng magarbong kasal ni Marco at Aubrey ay silang dalawa ni Blake ang Best man at siya ang maid of honor.Napakasaya ng kasalan, pagkatapos sa simbahan ay nagtungo sila sa isang napakagarbong function hall sa shangrila hotel.
Napakagwapo ni Blake sa suot na amerikano at kilig na kilig siya dito.
Bantay sarado ito sa kanya dahil may mga kabinataan na gustong kumuha ng number niya at gustong magpakilala sa kanya.
Hindi siya nito nilubayan.
Agad naman niya itong sinasabihan na taken na siya in a nice manner.
Napaka saya ng mag asawa at makikita ang ligaya sa mukha ng mga ito. Lumutang ang kagandahan ni Aubrey sa araw na yon at makisig na makisig si Tito Marco.
Yon ang gustong tawag nito sa kanya.
Napakasaya ng mag asawa para sa kanila ni Blake. Very supportive ng mga ito.
Ng ihagis ni Tito Marco ang garter ay sinadya nitong ihagis ito sa gawi ni Blake at nasalo nan
Aubrey decided not to throw the boquet instead she hand it over to Kiara.
Kinindatan pa siya nito dahil alam nito na gusto niyang makuha yon.
Pinapunta sila sa gitna ng emcee at doon ay naghihiyawan ang mga tao ng Kiss!! Kiss!!!
Hinalikan siya ng nobyo sa harapan ng lahat at naghiyawan ang mga guest.
Inakbayan siya ng nobyo palayo dahil alam nitong pulang pula na ang mukha nito dahil nahiya siya to do it infront of crowd.
Nagtungo sila sa may sulok ng open bar at doon nagpagawa siya ng mocktail dahil hindi siya umiinom ng may alcohol.
Binulungan siya ng nobyo na ikinatawa niya at nakurot niya ito.
Sabi ni Tito Marco at Aubrey mag iispeech daw tayo after ng dinner aniya dito.
Napakamot nalang ng ulo ang binata na ikinatawa niya.
Napakasaya ng ginanap na kasalan at napasaya ni Blake ang mga bisita sa cheeky speech nito sa tiyuhi.
Blake officially introduce her to his parents, friends, relatives at sa lahat as his girlfriend.
Naging mainit naman ang pagtanggap sa kany ng mga ito.
Ng matapos ang kasal ay inihatid siya ng binata sa bahay nila at bumaba ito para makita ang kapatid at ang mama niya.
Nagtagal pa ito sa kanila at nakipag kape gusto nito ang instant coffee na may creamer na timpla ng mama niya.
Nalate ito ng uwi dahil napasarap pa ang kwentuhan ng mga ito.
"Maganda ang kita ng unang buwan ng party needs store nila. Hawak niya ang oras niya at anu mang oras ay pwedi niyang makita at makasama si Blake.
Sa ngayon ay busy ang nobyo dahil ginugroom nito ang kapatid para may katuwang ito sa pamamalakad sa negosyo nila.
Makulit ang kapatid nitong si Renz pero kasundo niya ito dahil down to earth at mabait naman ito. Mukhang nagsawa narin ito sa kakatravel kaya napag pasyahan nitong tulungan si Blake sa negosyo nila.
" They're on the way to the island dahil may aattenan daw silang okasyon ni Blake and mag stay sila for 2 nights and 3 days doon.
Matagal tagal narin silang hindi nakapag out of town and that place have so much memories of them.
As usual sa buong biyahe nila sa himpapawid ay nakayakap lang siya sa binata.
She feels safe and comfort pag kasama niya ang nobyo. Wala na siyang mahihiling pa dahil mahal na mahal siya nito, malusog at masaya ang pamilya niya at maganda ang takbo ng munting shop niya sa bayan.
BINABASA MO ANG
My Sassy Personal Trainer
RomanceNg malaman ni Blake na may planong pakasalan ng Tito Marco niya ang social climber nitong batang batang personal trainer na nobya ay to the rescue agad siya para ilayo ang babae dito. He will do everything to protect his uncle from her kahit na ipa...