Part 21

130 6 0
                                        

Ngayon niya lang napagnilay nilayan na halos mahigit buong araw niya ay nasa trabaho. Wala siyang halos oras sa sarili at pamilya. Magkakaoras lang siya kung maglileave or day off niya.

Parang kayod kalabaw siya.

Hindi naman din ganoon kalaki ang sahod niya at nagkukulangan pa siya.

Nag iisip siya ng mapagkakakitaan sa halagang natira sa ibinayad sa kanya ni Blake.

Walang kasiguraduan ang trabaho niya at halos ang buong araw niya ay nasa work para lang makahanap ng bagong kliyente para mameet ang monthly sales target. Naguumpisa siya ng ala sais ng umaga  at halos alas diyes na ng gabi uuwi lalu na't pag naghahabol siya sa kota niya.

Narealize niya lang na sa loob ng tatlong taon ay ganoon ang ginagawa niya. Gusto niyang sumugal at subukang magtayo ng maliit na negosyo para sa pamilya at para tumigil narin ang ina sa pamamasukan bilang kasambahay.

Ipaplano niya ito ng maigi bago siya mag reresign sa pinagtatrabahuan niya.

"Sabado iyon at naka day off siya, naisipan niyang dalhan ng paborito niyang special spanish bread si Blake dahil may sumobra sa allowance niya.

Lalabas daw sila nito at magbibeach kaya nagbaon siya ng damit na susuotin niya.

Nagsuot  siya ng maxi dress at suot niya ang nag iisang side bag niya na regalo pa sa kanya ni Aubrey noong birthday niya at sandals na nabili niya sa ukay ukay.

Mas maaga niyang pupuntahan ang binata para sorpresahin ito.

Nakita niya si Sir Marco sa cafe at mukhang seryosa ang usapan nito at si Blake.

Nakatalikod ang mga ito kaya hindi  siya nakikita ng mga ito.

Pupuntahan niya ang mga ito para icongratulate si Sir Marco. Magdadahilan nalang siya na napadaan siya at nakita niya ang mga ito.

Napatigil siya sa paglapit ng marinig ang usapan ng dalawa.

"Hijo what do you think of her?

Why did you ask Tito?

I'm just curious dahil sa mga sulyap mo sa kanya and lately lagi mo siyang kasakasama.

Meron ka pa bang feelings para sa kanya?

I know I always tease you with her at hanggang ngayon wala ka pang nobya.

Hindi mo matatago yon sa akin Hijo na may nararamdaman ka sa kanya at ego mo lang ang dahilan kaya ayaw mong aminin anito sa binata.

I think you've got the wrong the impression Tito. Ofcourse not and besides she's nothing to me.

Hindi ko ibaba ang pagkatao ko sa ganoong klaseng babae. She's a user and most of all a flirt. Paano ko pagkakatiwalaan pa ang ganoong babae seryosong sabi nito.

Ok, I think I'm wrong hijo. I got it wrong.

Don't worry too much about me Tito just focus with your wedding preparations.

"Parang itinulos sa kinatatayuan si Kiara. Sinampal siya ng katotohanan na kailan man ay hindi siya magugustuhan ni Blake at isa lamang siyang bayarang babae para dito.

Lahat ng pinakita nito sa kanya ay wala lang yon dito at siya lang naman ang umasa at nagbigay ng kulay doon.

Wala naman itong inamin at hindi nan ito ng damdamin sa kanya.

Pumunta siya ng comfort room at doon tahimik na umiyak.

Ayaw siyang makita ng lalaki sa ganoong hitsura kaya naghilamos siya at ng nabawasan ang pamamaga ng mata ay lumabas na siya.

Nasalubong niya ang matandang guard na laging sumasalubong sa kanya at ibinigay dito ang dalang spanish bread para sa binata.

Napakasaya ng guard sa ibinigay niya at kahit papaano ay nagalak siya dahil napasaya niya and mabait na matandang guard sa kaniyang ibinigay.

Kailangan niyang gawin ang serbisyo dito kahit ang sakit sa puso niya na marinig mismo sa bibig nito na wala itong ni konting pagtingin sa kanya.

Siya lang ang tangang umasa at inayaan ang sariling mahulog sa ilusyon niya.

Masyado siyang ilusyonada na magugustuhan siya ng binata dahil sa pagkakaloob niya ng sarili dito na may kabayaran.

"Hinintay niya nalang ang binata sa may gilid ng pinto, may upuan naman na bench doon.

Malayo palang ay tanaw na niya ang binata at nag wave pa ito sa kanya.

Ng lumapit ito ay hinalikan siya nito sa labi at hindi niya yon ginantihan tulad ng dati.

Let go inside Ara anito pag bukas ng pinto.

I'll just prepare you snack anito sa kanya.

Ok na ako, kakagaling ko lang magmirienda. Salamat nalang aniya dito. She's trying to control herself.

Paglabas ng binata ay nakabihis na ito. Hindi niya ito masyadong pinag masdan.

Ng maipasok na ang gamit nila sa boot ng sasakyan ay nagsalita ito.

May problema ba Ara, mukhang wala ka ata sa mood sabi nito sa kanya.

Ok lang ako, medyo pagod lang ng konti pagdadahilan niya dito.

Just sleep in the car at iirecline ko ang upuan mo para makapag nap ka habang papunta tayo ng Bataan.

Thanks aniya dito at ipinikit ang mga mata.

Nakapikit ang mata niya pero marami siyang iniisip at ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa lalaki.

Makalipas ang dalawang oras ay huminto sila sa may tabi ng dagat.

Tinulungan niya ang binata sa pag set up ng picnic mat at bench sa ilalim ng lilim ng puno.

May mangilan ngilan na turista na naroon at naglulunoy sa dagat.

Let's have lunch first before we go swimming masayang sabi nito sa kanya.

Ok maikling sagot niya sa binata.

Are you sick Ara? nag aalalang tanong nito sa kanya

I'm ok dont mind me aniya dito.

Kanina ka pa kasi tahimik akala ko may dinaramdam ka.

Ok lang ako aniya dito.

He kissed him and hugged him tight.

Masarap ang dalang pagkain nito pero parang walang lasang pumasok sa bibig niya at tamilmil siyang kumain.

Can we go swimming now Blake?

Sure anito sa kanya.

Let me apply sunscreen first anito na pinadapa siya nito at bawat dantay ng kamay nito sa katawan niya ay nagpapa init ng katawan niya.

Isa lang siyang object sa binata pagkatapos gamitin wala na. She's trying to act as if nothing happened pero mahirap at sa bawat dantay nito sa katawan niya ay bibigay siya dito.

She knows from the start na mayroon silang time frame and ahe needs to remember that.

On that day Blake ask her to go out with him. Mag oout of the country ito for bussiness with bussiness partner at medyo magtatagal daw ito.














My Sassy Personal TrainerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon