Prologue
“Good Morning Sunnydale Village!” Malakas kong sigaw nung nagising na ako. Kakalipat lang kasi naman kagabi sa village na ‘to. At tamang tama bakasyon na namin. Bali 1st year college na ako sa susunod na pasukan. By the way, ako nga pala si Maureen Audrey Wilson 18 years old, turning 19 next 5 months.
“Mau! Hurry up! Pagtapos mo dyan, bumaba ka na. Aalis tayo!” Aniya ni kuya Clyde ng nasa labas ng kwarto ko habang nakatok. Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang bunso. Si ate Maybelle Anne Wilson ang panganay, 25 years old na siya. At si kuya Clyde Ethan Wilson naman ang pangalawa, 20 years old na siya, kaya nga minsan hindi ko na siya tinatawag na kuya kase 1 year old lang naman ang tanda niya sa aken.
“Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?” Tanong ko habang kinukusot ang mata ko.
“Sa company nila mommy.”
“At ano naman ang gagawin natin dun?”
“Why so many questions? Si daddy nalang tanungin mo. Kaya bilisan mo na, maligo ka na muna.” Ang sungit talaga nitong Clyde na ‘to. Pero minsan mabait din naman yang si kuya. Over protective at sweet, masungit nga lang talaga minsan.
“Di na ako kakain?” Tanong ko ulit.
“Common sense Maureen!” Iritado niyang sagot. Alam ko namang may pagkain na sa baba, gusto ko lang talaga siyang inisin.
“Si--“
“Faster! Naghihintay yung pagkain sa baba. And as I’ve said, maligo na agad, nagmamadali na sila mommy. ‘Wag ng kung ano-anong atupagin.”
“Ha? Sag—“ Bago pa ako magsalita ay narinig ko na ang mga habag ng paa niya paalis.
Kinuha ko yung phone ko sa cabinet sa gilid ng kama ko. Syempre, nag-selfie muna ako. *Click* *Click* *Click* *Click*
Tinginan ko muna yung selfie ko.“Para naming ang laki ng mukha ko dito.” Sabi ko sabay delete nung isa.
“Eto naman parang makikita na yung dede ko.” Sabay delete ko ulit.
“Eto na nga lang.” Sabi ko sabay upload sa fb.
Nagmadali na akong naligo, halos wisik wisik na nga lang ata ang nagawa ko sa sobrang pagmamadali. Nagbihis na din ako at lumabas na.
“Ang tagal mo Maureen!” Aniya ni ate Maybelle habang pababa ako.
“Pake mo?” Irita kong sagot. ‘Di kame masyadong close ni ate e, ‘di kase siya sa amin lumaki. Dun siya tumira sa kapatid ni papa, si tita Hayley. Tumira lang siya samin nung nag-college na siya.
“Maureen!” Saway ni daddy sakin. “Kumain ka na anak. Hurry up.” Mahinahon namang sabi ni mommy.
Kumain na ako ng mabilis. “So, let’s go?” Aniya ni daddy. Tumango kami at naglakad na si daddy palabas. Sumunod na din kami at tinabihan ako ni kuya Clyde habang naglalakad.
“Are you ready?” Aniya.
“Ready for what?”
“Hmm. Secret. But, I know you won’t like it.” Aniya at nauna na sakin sa paglalakad. Parang kinabahan ako dun sa sinabi niya. Pati sa tono ng pagsasalita niya, parang may kakaiba. May alam kaya siya na hindi ko alam na tungkol sa akin?
BINABASA MO ANG
Playboy's Heart
Teen FictionPaano kung ang pusong bato ng isang playboy ay mahulog sa isang babae. Babaeng walang pakiealam sa nararamdaman ng ibang tao. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayare? Will they have a happy ending? Or ending nalang talaga, wala ng happy? "Yeah, it's tr...