"Agi, your friend is here!" Iritadong sabi ni Clyde habang nakatok sa kwarto ko. Ang aga namang istorbo nitong bibig nito.
"Sige. Sabihin mo, bababa na ako." Sabi ko habang naguunat at nagkukusot ng mata.
"No! Ayoko nga! Bumaba ka nalang." Aniya at umalis na. Problema nun?
Binilisan ko ng maligo at magbihis. Nag-jeans nalang ako at t-shirt. Nagsuot nalang din ako ng simpleng doll shoes at bumaba na.
Pagbaba ko bumungad agad saakin sa couch si Lauri at Clyde na parang nag-tatalo. "As if naman! I won't ever and ever.... Mau." Ani ni Lauri. Hindi pa siya tapos magsalita, e. Nakita niya lang kasi ako.
"What? Continue your words!" Aniya ni Clyde habang tinititigan si Lauri. Ano kayang meron sa dalawang 'to?
"Nevermind. Let's go, Mau." Aniya sabay hila saakin. Pero hinigit ako ni Clyde pabalik.
"Where are you going baby?"
"Maga-apply kami para sa summer job." Sagot ko.
"What? Summer job? You don't need to do that. We have money." Aniya.
"Libangan lang. Ayoko ng nakatunganga dito sa bahay araw-araw."
"No. Hindi pwede. Hindi ka nagpaalam kay na mommy."
"Nagpaalam ako kay mommy kagabi. 'Wag ka nga! Speaking of mommy, nakaalis na sila?"
"Yeah. Kanina pang 6. Gigisingin sana kita, e. Kaso sabi nila, 'wag na daw."
"Ah, Okay. Let's go Lauri!" Matatalim ang tingin ni Clyde kay Lauri bago kami umalis. Tinxt ko muna sila mommy na magingat.
Dumaretso kami sa veranda at pinatunog yung sasakyan ko. Meron na akong sariling sasakyan, simula nung nag-18 ako. Eto ang regalo sakin nila mommy at daddy.
"Wow! Do you have your own car?" Aniya ng binubuksan ko yung pinto ng sasakyan.
"Yah. Birthday gift nila mommy saakin nung 18th birthday ko. Get in." Sagot ko naman at pinagbuksan siya ng pinto. Tumango naman siya.
"Paano ka natutong magdrive?" Aniya.
"Tinuruan ako ni Clyde." Sagot ko.
"Ah. Marunong pala siyang magdrive."
"Oo naman. Bakit?"
"Wala lang. 'Wag na nga nating pagusapan yun!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano kaya talagang meron sa kanila?
"Anong oras na nga pala?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa wrist watch niya, "8:45."
Tinuro niya saakin ang daan papuntang restobar ng aunty niya. Nakadating kami dun ng mga 9:05. 20 minutes lang ang byahe, mabuti na lang at walang traffic kasi maaga pa. Pinark ko muna yung sasakyan ko tapos bumaba na kami.
"Dito tayo, Mau." Aniya at hinila ako papunta sa isang bukas na pinto. Bumungad agad sa amin ang isang matangkad at maputing babae. Sexy siya at medyo mahaba ang buhok.
"Hi aunty!" Aniya ni Lauri. So, eto pala ang aunty niya. Maganda din ito at hindi mapapagkailang aunty niya talaga ito, dahil may hawig sila.
"Hello Lauri! Hmm. Hija, siya na ba yung sinasabi mong kaibigan mo?" Napatingin saakin yung aunty niya. Ngumiti ito at ngumiti din ako pabalik.
"Opo aunty." Dumaretso ang aunty niya papunta sa office nito at sumenyas na sumunod kami.
"Where's your resumes and birth certificates?" Aniya ng aunty niya. Inabot namin ang resume at birth certificate namin sa kanya. Binasa niya lang yun bago nagsalita.
BINABASA MO ANG
Playboy's Heart
Teen FictionPaano kung ang pusong bato ng isang playboy ay mahulog sa isang babae. Babaeng walang pakiealam sa nararamdaman ng ibang tao. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayare? Will they have a happy ending? Or ending nalang talaga, wala ng happy? "Yeah, it's tr...