“Mom, dad, si Maureen po. New friend ko.” Pakilala ni Lauri sakin sa kanyang parents.
“Hello po!” Sabi ko at ngumiti ng malaki. “Hello hija!” Aniya ng mommy niya.
“Are we neighbours?” Tanong ng mommy niya.
“Opo. Dyan lang po yung bahay namin sa katabi niyo. Kakalipat lang po namin.”
“Great! Ngayon lang nagkaroon ng kaibigan yang si Lauri. Almost 2 years na kami dito pero ngayon lang siya nagpakilala ng kaibigan. You can call me tita Shai and this is tito Ron.” Aniya ni tita at naglahad ng kamay. Tinanggap ko ‘yon.
“Kain muna tayo. Kumain ka na ba hija?” Tanong ng daddy niya.
“Opo,kakatapos ko lang po, e. Thank you nalang po.” Nginitian nila ako.
“Wait for me, Mau. Kakain lang kami. Dyan ka nalang muna sa couch.” Sabi ni Lauri.
“Yeah sige.” Umalis na sila at pumunta na sa dining table nila. Nilibot ko ang tingin ko sa bahay nila. Kulay skyblue ang walls nila at may design na mga flower sa baba. Double doors naman ang pintuan nila, ganun din ang amin. Sliding window ang sa kanila ang samin naman ay malaking clear window lang na hindi nabubuksan. Hanggang 3rd floor ang bahay nila at nakita ko yun kanina nung nasa labas kami. Samin din ay hanggang 3rd floor lang pero mas malaki nga lang ang sa amin.
“Tapos na ako Mau!” Aniya ng palapit sa akin. “Punta tayo sa room ko.” At hinila niya na agad ako pataas.
Malaki ang kwarto niya. Kulay pink ang walls at may design na mga flower din sa baba. Malaki din ang kama niya. Lumapit ako sa bintana at dito ko nga siya nakita kaninang nakasilip, kasi tanaw ko ang bintana ng kwarto ko dito. Lumapit naman ako sa drawer niya.
“Ang dami mo palang make up.” Sabi ko.
“Yah. Pero ‘di ko naman ginagamit yan. Si mommy lang ang naglagay niyan dyan, and I never tried to touch that.” Aniya.
“Bakit naman? Siguro mas lalo kang gaganda ka kung ita-try mong gamitin yan. Halika nga dito.” Pinaupo ko siya sa upuan niyang katapat ng isang salamin.
“Look at your face. Ang ganda mo. You’re so gorgeous. Mukha kang koreana.” Sabi ko.
“No I am not pretty. At mas lalong hindi ako mukhang koreana.”
“Siguro kaya ka walang kaibigan for almost 2 years is because you don’t have self-confidence.”
“Hmm. Maybe? I don’t think so.” Kinuha ko yung foundation niya at nilagay yun sa mukha niya, naramdaman ko nung nilalagay ni ate yun sa mukha ko kanina kaya sa tingin ko, kaya ko naman ‘to. Nilagyan ko din siya ng red na lipstick, lumagpas nga lang kasi ‘di ko pa naman masyadong kayang gamitin.
“Marunong ka pala mag make up, Mau?” Aniya.
“Actually, kanina lang ako natuto. Pero ‘di ko pa naman masyadong kaya.” Sabi ko ng natatawa.
“Really? Who taught you?”
“Wala. Kanina kase, nilalagyan ako ni ate niyan, kaya ayun.”
“May kapatid ka pala?”
“Yah. 3 kame. I’m the oldest.” Tumango tango naman siya. “Alam mo gusto kong magkaron ng summer job.” Sabi ko.
“Ako din. Matagal ko na nga yang iniisip, e. Kaso wala naman akong makakasama.” Aniya.
“May alam kang pwede?” Tanong ko.
“Oo. Sa auntie ko. Sa restaurant and bar niya.” Nanlaki ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Playboy's Heart
Teen FictionPaano kung ang pusong bato ng isang playboy ay mahulog sa isang babae. Babaeng walang pakiealam sa nararamdaman ng ibang tao. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayare? Will they have a happy ending? Or ending nalang talaga, wala ng happy? "Yeah, it's tr...