Chapter 5

14 0 0
                                    

Maaga akong nagising kaya ako nalang ang nagluto ng breakfast namin ni Clyde. I cooked hotdog and bacon. Aakyat na sana ako para tawagin siya kaso natanaw ko na siyang pababa at may kausap sa phone.

"Yah. Ayos lang naman po kami dito. Kayo po dyan? Good, take care too! Si Mau? She's okay. Opo kahapon pa nagsimula yung summer job niya. Sige eto ibibigay ko na, she prepared our breakfast, e." Aniya ng papalapit saakin.

"Sila mommy." Inabot niya sakin yung phone.

"Hello mommy! Good Morning!" Sabi ko.

[So how was your first day, baby?] Sabi ni mommy.

"Okay lang po. Binantayan pa nga po ako ni Clyde, e. Tapos nung gabi na, tinulugan naman ako." Sagot kong natawa.

[You sure, you're okay with that job, agi? Gusto mo magpapahanap ako ng mas maayos na summer job sa secretary namin dyan?]

"No need mommy. Nakakahiya naman po kay Lauri at sa aunty niya. Okay na din po yun, para nagbabantayan lang kami ni kuya." Sagot ko. Quits lang kami, kung binabantayan niya ako ay ganun din ako sa kanya, kasi syempre baka kung ano pang mangyari sa kanila nung mga babae niya, e.

[Okay baby. Sige bababa na namin 'tong tawag. Take care always. I love you.]

"Yeah. I love you too."

[Here's your daddy.] Aniya at narinig kong inabot niya kay daddy ang phone.

[Agi, how are you?] Sabi ni daddy

"I'm owkay dad."

[Mabuti naman. Ingat always dyan, I love you. Babyeee! We need to go baby.]

"Kayo din po dyan dad. Byee! I love you too." Sagot ko at binaba na din niya.

"Let's eat." Yaya ko sa kaniya. Lumapit samin ang mga katulong at pinaghanda kami. May nagaayos ng mga plato, naglalagay ng coffee, nagaayos ng upuan, at nagaayos ng mga kakainin namin. Nandun yung niluto kong bacon at hotdog. May naluto na din pala silang pagkain bago pa ako magluto.

"Diba sabi mo nakatulog agad ako kagabi? So, what happened? I can't remember. Ang alam ko lang ay yung kinuha mo yung pagkain na binibigay ni Joaquin then umalis ka na. Pag tapos nun, nagkwentuhan kami, yun wala na akong maalalala." Aniya habang nakain kami.

"What happened? May lalaki lang namang bastos dun na hinihila ako. Tapos tumingin ako sa table niyo. Kaya pala. Tulog ka na!" Sagot ko.

"Ugh! Edi sana ginising mo ako! Oh tapos, anong nangyari?"

"Buti nalang may tumulong kaagad sakin. Pinsan ni Lauri, anak nung may ari nung restobar. Siya din nagdrive satin pauwi kahapon."

"Ba't hindi nalang ikaw ang nagdrive? At lalaki pa yung tumulong sa inyo?"

"I can't. Madaling araw na nun, baka maaksidente lang tayo. So gusto mo babae ang tumulong samin? Edi mas lalo kaming nahirapan! And besides he is Laurice's cousin." Ngumuso siya bago nagsalita ulit.

"Ikaw nagluto lahat nyan?" Pag iiba niya ng inuusapan namin.

"Nah. Yung bacon at hotdog lang." Sagot ko at kinuha ko yung pie na niluto ng isa sa katulong namin.

"The bacon tastes good huh." Aniya ng natawa.

"Really? Is that a compliment?"

"Yes."

"Then why are you laughing?"

"Uhm. Nothing." Napakunot noo nalang ako at ngumuso.

"Gusto mo sumama?" Tanong ko sa kanya nung tapos na kami kumain.

Playboy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon