"Hey, agi. Wake up!" Aniya ni Clyde habang sinasampal ng mahina ang mukha ko.
"Uhhmm?" Sagot ko.
"2:45 na. Diba may trabaho pa kayo ng 4:00." Minulat ko na ang mga mata ko. Nakita ko si Lauri sa tabi ko na ang himbing pa din ng tulog at nakakumot.
"Gisingin mo na yang kaibigan mo tapos maligo ka na." Aniya bago lumabas ng kwarto.
"Lauri. Lauri. Gising na!" Sabi ko habang niyuyugyog siya. Napamulat naman siya.
"Errmm. Why?"
"2:50 na. We still have job." Sagot ko. Bumangon naman siya at nagunat.
"Okay. I'll just take a bath in our house tapos balik na lang ulit ako dito." Aniya.
"Yeah sige. Liligo na lang din ulit ako." Tumayo na kami.
"See yahh." Aniya bago lumabas.
Naligo nalang ulit ako. Naligo na kasi ako kanina, e. Kaso mabilisan lang yun. Pagtapos kong maligo nagbihis na din ako. Gaya nga ng sabi ni Lauri, jeans nalang daw at tshirt. I wore red tshirt and black jeans. Nagsuot nalang din ako ng floral na red flat shoes. Nagsuklay na muna ako. Kulot yung dulo ng buhok ko, pinakulot ko kasi dati yun nung JS Prom, tapos ginawa palang permanent yung kulot nung bakla. Kaya ayun.
"Lauri, let's go." Sabi ni Clyde ng nakatayo sa pintuan ko.
"Okay." Nilahad niya ang siko niya saakin. Nilusot ko naman ang kamay ko dun. Naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya at nagulat ako ng nandun na si Lauri. Sumakay na din naman siya at pinaandar na ang sasakyan.
Medyo traffic kaya nakadating kami dun ng saktong 4:00. Madami ng tao dun at madilim sa loob. Disco light lang ang tanging ilaw dito. Maraming nagsasayaw sa dance floor. Yung iba naman nakaupo sa sofa, may nakain at mga nagiinom. Habang yung iba ay nasa upuang mataas malapit sa bartender.
"Let's go, Mau." Aniya ni Lauri.
"Dun lang muna ako sa sofa, baby." Sabi ni Clyde. Tumango ako bago sumama kay Lauri papunta sa isang pintong may nakasulat na Staff Only.
"Uhm. Hello! Pwedeng magtanong?" Aniya sa isang babaeng nagaayos ng mga plato.
"Ano po yun, Ms. Laurice?" Sagot nung babae. So kilala pala talaga siya dito. Syempre pamangkin nung may ari, e!
"Pwede bang ganto nalang ang uniform namin?"
"Oo naman po. Kahit ano pa pong gusto niyo. Yun po ang bilin ni Mrs. Montefalco." Aniya ng babae.
"Nasaan nga pala si aunty?"
"May pinuntahan pong meeting sa kompanya nila." Tango nalang ang naging sagot ni Lauri sa babae at hinila niya na ako papasok sa mga nagluluto. Mayaman pala talaga ang aunty niya. May restobar na may kompanya pa.
"Mau, ikaw nalang muna magserve ng mga pagkain ha? Ako muna sa mga liquors. Tapos mamayang 8:00, palit na tayo, ako na sa mga pagkain ikaw na sa liquors." Aniya.
"Ah, oo sige. So dun na muna ako sa mga nagluluto lalapit?"
"Oo. Basta mamayang 8:00 kita nalang tayo sa room ng mga staff ha. Dun muna ako." Aniya at umalis na papunta sa bartender.
"Ikaw pala si Maureen?" Tanong ng isang babaeng waitress din.
"Oo. Ako nga. Mau nalang." Sabi ko at ngumiti. Ngumiti din siya pabalik.
"Ikaw pala yung kasama ni Ms. Laurice na magsusummer job dito." Aniya at tumango tango. Ngumiti nalang ako.
"Kindly serve this on #43!" Sigaw ng chef. Ako nalang ang lumapit at kinuha ito. Tumingin saakin yung chef at nginitian ako, ngumiti din ako sa kanya bago umalis at iserve 'to.
BINABASA MO ANG
Playboy's Heart
أدب المراهقينPaano kung ang pusong bato ng isang playboy ay mahulog sa isang babae. Babaeng walang pakiealam sa nararamdaman ng ibang tao. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayare? Will they have a happy ending? Or ending nalang talaga, wala ng happy? "Yeah, it's tr...