Chapter 6

8 0 0
                                    

"Baby! Agi! Are you there?!" Ani ni Clyde habang kumakatok ng malakas sa kwarto ko. Naliligo pa naman ako.

"Yah! Naliligo ako. Mamaya nalang tayo magusap!" Sigaw ko.

Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko yung binili kong jeans at t shirt kanina sa mall. Pati yung flat shoes na beige. Nagsuklay muna ako at naglagay ng powder sa mukha bago lumabas. Tumingin ako sa wall clock namin, 3:35 na. Okay lang naman siguro malate? Pumunta ako sa kwarto ni Clyde dahil nandun ata siya.

"Ay malandi!" Napasigaw ako sa nakita ko. Si Clyde may kasama na namang babae sa kama. Myghaadd! Akala ko ba si Lauri nalang talaga? Yung babae naka bra't panty nalang tapos si Clyde naka boxer nalang.

"Sorry." Sabi ko. Dalidaling nagbihis si Clyde at yung babae naman ay nagtago sa kumot. Paalis na sana ako ng hinila niya ang braso ko.

"What?" Iritadong sabi ko. Ang landi ng lalaking to.

"Please don't tell this to Lauri." Aniya. Naka t shirt na siya ngayon at pantalon. Ang bilis magbihis, sanay na sanay.

"And why? Akala ko ba siya nalang talaga? So what was this?"

"Hindi naman ako yung lumapit, e. Siya! Nagmakaawa siya. Pinagbigyan ko lang."

"Wow! Kailan ka pa naawa? Ang sabihin mo, gusto mo din talaga! Dyan ka na nga!" Sabi ko at aalis na sana ng higitin na naman niya ako.

"Please Maureen. Hindi na mauulit. Please. Please. Please. Don't tell her. I won't ever do this again."

"Okay okay. You won't do this again alright? Pasalamat ka at mabait akong kapatid." Sabi ko at napaubo naman siya. Aba kontra?

"Thanks baby!" Aniya. "Rochelle, go home! And don't come back here ever!" Sigaw niya sa babae niya. Parang natakot naman ata yung babae. May suot na siyang damit ngayon. Napakaikli ng maong shorts niya at naka spaghetti strap na damit. Kaya pala naakit 'tong si Clyde. Makinis at maputi yung babae at may itsura naman. Tumango yung babae at lalabas na sana ng hilahin ni Clyde yung braso niya.

"Yaya!" Sigaw niya at may lumabas na isang katulong namin.

"Bakit po sir?" Sabi ni yaya Lupe.

"Pakilabas nga po 'tong babaeng 'to dun sa daan sa likod. 'Wag niyong papadaanin yan sa harap ha." Aniya at binigay kay yaya yung babae. Grabe, parang laruan lang ha? Kapag sawa na ipapatapon na? Dinala na ng katulong namin yung babae paalis.

"Sobra ka naman. Bakit sa backyard mo pa pinadaan?"

"Aren't you thinking Mau? Kapag sa harap ko siya pinadaan, baka makita lang siya ni Lauri." Aniya. Oo nga tama nga siya. Pero sayang, hindi naabutan ni Lauri.

"Maureen!" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa baba. Si Lauri 'to for sure.

"Speaking of." Sabi ko at bumaba na, sumunod sakin si Clyde.

"Quiet, Maureen. Zip your lip baby." Bulong niya sakin bago kami makababa.

"Let's go?" Sabi ni Clyde. Nauna na siyang maglakad papunta sa veranda at pumunta sa kotse niya. Binuksan niya na din ang mga pinto namin.

Dun ulit ako umupo sa likod at si Lauri sa front seat. Kinuha ko muna yung phone ko para hindi ako mabore. May 26 unread messages, yung iba puro gm lang. Yung isa kay Joaquin at yung dalawa kay Zach Baby

Naalala ko na! Oo yun nga. Yung kanina sa kotse niya. Kaya pala hiniram niya ang phone ko, sinave niya pala ang number niya. At paano niya naman nakuha ang number ko, kung number niya lang ang sinave niya? Kaya pala, tinext niya din pala sa phone ko yung number niya, para masave.

Playboy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon