ENGAGED
Nasa byahe na kami papunta sa company nila mommy. Si ate tahimik lang at naka suot ng headset, siya lang mag-isa sa upuan niya. Si daddy ang nagda-drive at si mommy ang nasa front seat. Habang magkatabi naman kami ni Clyde.
“Kinakabahan ka na ba?” Aniya.
“Ano bang pinagsasasabi mo Clyde?” Sagot ko.
“Sorry, bawal kasing sabihin, e. Bilin nila mommy.”
“Sige, kapag ‘di mo sinabi, ilalabas ko yung mga picture mo na nag-iinom ng vodka. Yung nasa bar ka. Remember? 16 years old ka palang nun.” Pananakot ko.
“Edi ilabas mo. Madali lang naman magpalusot. Sasabihin kong 18 na ako nun.” Aniya. Ugh! Oo nga, hindi naman siya mukhang 16 pa nun, e.
“Paano ka nakapasok sa bar nun? E, diba 16 ka palang nun?”
“You know, I am Clyde Ethan Wilson.” Simpleng sagot niya.
“Agi, fix your face. Eto oh, foundation, lipstick and mascara. Use that.” Aniya ni mommy sabay abot sakin ng maliit na pouch. Inabot ko naman. Agi means baby. Korean word ng baby. She knows how to speak few Korean words. Kasi nag-aral siya nun nung college siya.
“For what? Okay na naman ‘tong mukha ko, e.”
“No more questions baby. Just use it.”
“Akin na nga.” Sabay dampot ni ate sa pouch at tumabi samin ni kuya. Inayusan niya ako. Syempre, ‘di na ako nagreklamo pa. Tyaka ‘di din naman ako marunong gumamit ng mga yan, e.
“Perfect!” Aniya ni ate at hinarap sa akin ang salamin. Medyo nagbago nga ang itsura ko.
“You’re so beautiful, agi.” Aniya ni kuya ng nakangiti.
“Yeah right. Mas lalo ka pang pumuti.” Sabi naman ni ate at ngumisi. Kinuha ko ang phone ko.
“Selfie again?” Tanong ni Clyde. Tumango ako at ngumiti. Umayos sila ng upo.
“1, 2, 3, smile.” Sabi ko at ngumiti naman sila. Mabait naman pala si ate ngayon ko lang napagtanto. Siguro mas okay kung makaka-close ko pa siya. “We’re here!” Aniya ni mommy. Agad naman kaming bumaba, at nauna na sa paglalakad sila ate, mom and dad. Tinabihan ulit ako ni Clyde at inakbayan.
“Good luck, baby.” Bulong niya sakin. Nanliit ang mata ko at tinignan siya.
“Oh, oh, oh. Don’t look at me like that, Mau.”
“Just please tell me what the fuck are you saying.”
“No agi. Malapit na tayo at malalaman mo na din.” Pumasok na kami ng elevator at pinundot ni daddy ang pang 43th floor. Nakarating na kami sa office ni daddy. At nagulat ako ng nakita ko dun ang isa sa tropa ni kuya, si Joaquin Ross kasama ang mommy at daddy niya.
“There she is.” Aniya ng mommy ni Joaquin. Ngitian nila ako, si Joaquin at ang parents niya. Halos lahat ata ng office staff ay nandito. Ano ba talagang meron? Umupo kami sa harap nila. Habang ang mga office staff ay nakatayo sa isang gilid. Parang alam ko na ‘to ha. Pero sana naman mali ang iniisip ko.
“Baby this is Joaquin Ross.” Sabi ni dad at itinuro sakin si Joaquin.
“I know him dad.” Tamad kong sagot.
“Do you know his parents?” Umiling ako.
“So this is Joanna Ross, Joaquin’s mother.” Nginitian ko ang mommy ni Joaquin.
“And Jack Quinn Ross, Joaquin’s father.” Ngumiti din ako sa daddy niya.
“Hello hija!” Aniya ng mommy ni Joaquin at naglahad ng kamay. Tinanggap ko iyon. Ganun din sa daddy niya.
BINABASA MO ANG
Playboy's Heart
Teen FictionPaano kung ang pusong bato ng isang playboy ay mahulog sa isang babae. Babaeng walang pakiealam sa nararamdaman ng ibang tao. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayare? Will they have a happy ending? Or ending nalang talaga, wala ng happy? "Yeah, it's tr...