Chapter 9 - Welcome to Proxima B.

223 19 37
                                    

4 Light years later...

Hunter's POV

"Prey! Gaano pa kalayo? Malapit na ba tayo?" Michael shouted since buryong-buryo na siya.

"Tayo ay malapit-lapit na sa ating paroroonan, Michael. kaunting tiis na lamang." Prey said.

"Yang malapit mo na 'yan, Prey, mag-apat na taon na inabot 'yan! Lahat na ng boardgames, cardgames, pati mga baon kong beer naubos mo na! Aayaw-ayaw ka pa sa una sa beer! Maya-maya ikaw pala tong malakas uminom! Mas malakas ka pa uminom kay Hunter!" Michael added.

"Ang ingay mo, Michael! Malapit na tayo! Nakikita ko na 'yung Proxima Centauri Star." Goji suddenly said.

"Ito 'yung araw niyo, Prey? Napakaliit pala kumpara sa Sun ng Earth. Kaya pala ang puti at ang kinis mo siguro kasi hindi gaanong mainit 'yung araw niyo?" I asked him.

"Proxima Centauri or yung araw ng Proxima B. ay isang Red Dwarf star. Sa range ng painitan, Red ang pinakahindi mainit... Kaya masasabing mas malamig nga ang klima kila Prey." Goji said.

"Wow? Taga Proxima B. ka na, Goji? Bakit mo alam?" Michael asked.

"Michael... tanga ka or tanga ka lang? Baka nakakalimutan mo na head ako ng SpaceV Organization kaya marami akong alam sa mga ganitong bagay!" Goji exclaimed.

"Sorry na ah? Pero, Goji, hindi ka pa rin talaga pumaayag na maging test subject? Sige na! Magpabuntis ka na! Masasayang oras natin!" Michael said.

"A-yaw-ko! Kung gusto mo, ikaw na lang!" Goji said.

"Lalong ayaw ko! Ako nga 'yung mag-aaral ng katawan tapos gusto mo ako 'yung test subject? Baliw ka ba?" Michael said.

"Tayo ay nakapasok na sa teritoryo ng Proxima B. Ilang minuto na lang ay makakalapag na tayo." Prey suddenly uttered habang nakatingin siya sa bintana at nakatayo lamang.

Kaya naman tumayo ako sa likod niya at binigyan ko siya ng backhug.

"Malapit na tayo sa tahanan mo, Prey. Excited ka na ba?" I asked Prey with a gentle tone.

"Ako ay nasasabik ngunit nangangamba rin ako. Hindi ko alam kung ano ang ating madadatnan pagdating natin sa aking Planeta." Prey said.

"Ako, Prey... Hindi ako natatakot. Basta nakikita kitang ligtas at buhay." I said to Prey.

But deep inside...

Takot na takot na ako. Any moment, alam ko na maaaring may mangyaring hindi maganda sa amin. Lalo na kay Prey... Paano kung may gawin sa kanya ang kapatid niya habang wala ako sa tabi niya...

"Malapit na pala tayo... Pwedeng bagalan natin muna?" Michael suddenly uttered with a shivering voice.

"Ano? Kanina atat na atat ka tapos ngayon gusto mo bagalan natin?" Goji exclaimed.

"Eh kasi bigla akong kinabahan! Habang hindi pa tayo talaga nakakapasok sa planeta nila Prey... baka naman pwede tayong bumalik sa Earth?" Michael said.

Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon