Third Person POV
(Flashback - Prey and Oligar's childhood days)
"Oji Bumi(Older brother)! Tingnan mo! Ako ay nakabuo ng larawan natin! Ako, ikaw at ang ating Rishko!" saad ni Oligar kay Prey habang siya ay may mga inosenteng ngiti sa mga labi at nakatingin kay Prey na busy sa pag-babasa ng mga libro.
"Patingin nga ako, Oligar?" saad ni Prey habang siya ay nakangiti kay Oligar at sinarado ang kanyang binabasang libro upang pagtuunan ang kanyang kapatid. Bigla siyang natawa dahil puro stickman ang ginawa ni Oligar na tila hindi mo mawawari ang itsura.
"Bakit ka natatawa Oji Bumi! Pinagtatawanan mo ang aking guhit?" naiinis na saad ni Oligar.
Pagkatapos ay nilagay ni Prey ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Oligar at ginulo ang buhok nito.
"Kaya ako natatawa dahil masaya ako sa iyong ginawang larawan. Napakagaling naman ng aking kapatid!" saad ni Prey at ginulo niya muli ang buhok ni Oligar, "Hindi mo ba idadagdag ang ating mga kaibigan?" tanong ni Prey.
"Hay... Oji Bumi, ang aking mga kamay ay pagod na para sila ay isama pa rito. Tingin mo ay matutuwa ang Rishko kapag pinakita ko sa kanya ito?" tanong ni Oligar.
Tila nangamba bigla si Prey dahil alam niya na hindi ito nanaisin o magugustuhan ng kanyang Rishko kaya pinakiusapan niya na lamang si Oligar.
"Marahil... ngunit alam mo naman ang Rishko, masyadong maraming ginagawa at marahil ay hindi niya na ito mapapansin. Ngunit ako, ako ay labis na nagagalingan at natutuwa sa iyong larawan, Oligar." saad ni Prey habang siya ay labis na nakangiti rito.
"Talaga, Oji Bumi?" tanong ni Oligar at tumawa ito sa kagalakan, "Mabuti na lang at ako ay may kapatid na kagaya mo na lagi akong pinapahalagahan!"
"Ikaw ang aking nakababatang kapatid at nais ko na ikaw ay maging masaya. Maaari ko bang hingin ang iyong larawan at ito ay aking itatago? Ito ay gustong gusto ko." saad ni Prey at kaya niya hinihingi ang larawan na guhit ni Oligar dahil alam niya na kapag ito ay nakita ng kanilang Rishko ay pagagalitan sila nito.
"Prey! Oligar!" biglang sigaw ng kanilang Rishko na si Oman Rexor na kakapasok lang sa kwarto ni Prey.
"Oman!" saad nina Prey at Oligar at agad silang tumayo nang matuwid.
"Ano ang naririnig ko at nagtatawanan kayo! Hindi ba sinabi ko na kayo ay magbasa at mag-aral?" nagagalit na saad ni Oman Rexor.
"Rishko, ako ay may ginawang larawan para sa ating tatlo nina Oji Bumi! Tingnan mo!" saad ni Oligar habang siya ay nakangiti at inaabot ang kanyang ginuhit na larawan sa kanyang Rishko.
Hinablot ni Oman Rexor ang larawan na nakaguhit sa isang papel at hindi man lamang ito tiningnan. Bagkus, ito ay kanyang pinunit at tinapon sa sahig.
"Ang sinabi ko, mag-aral kayo at hindi magliwaliw! Ikaw ay aking paparusahan, Oligar! Hindi ka na natuto!" sigaw ni Oman Rexor at tila biglang umiyak si Oligar.
Si Oligar ay tila nalungkot dahil hindi pinansin ng kanyang Rishko ang kanyang ginuhit at pinunit pa ito na tila wala itong halaga para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg)
Sci-fiTitle: Project Juno Genre: BL, Sci-Fi, Romance, Drama, Comedy Author: Gonzo What will happen if the last female on earth dies and all that's left are just males? How will mankind be able to repopulate if males can't get pregnant? Is it the end of h...