Chapter 17 - Act as one

275 22 73
                                    

Michael's POV

Fart noise!

"Ano iyon? Naamoy niyo ba lahat iyon? Nakakadurog ng utak!" sigaw ng isa sa mga militar na Juno.

Tanga! HAHAHAHA!

"Ang nilalang na iyon ay tila kabaliktaran ng isang Breeder na naglalabas ng mabahong amoy! Siya ay isang kahindik-hindik na nilalang!" another one said.

Sasama ng mga ugali nito! Akala mo mga perpektong Juno!

"Hindi ko kakayanin na magpatuloy sa ganitong kalagayan! Tila siya ay may malakas na kapangyarihan na siya lamang ang may kaya!" another one said.

Haha! Sinasabi ko na nga ba, ako talaga ang pinakamakapangyarihan dito sa Proxima B.!

At habang hinang-hina sila at hindi makagalaw sa naamoy nilang utot mula sa akin, ay sumugod na si Ringgo at pinagsasapak ang militar na Juno. Habang ako naman, patuloy akong umuutot upang  masiguro na hindi sila makakakilos.

Ngunit siempre, tao lang ako...

"Wala na ako maiutot, Ringo! Kailangan na natin silang maubos!" I shouted.

"Ngunit tila sila ay hindi nauubos!" Ringo shouted as well habang patuloy siyang nakikipaglaban.

Ilang saglit lamang...

"Acckk!" Ringo shouted in pain.

"Ringo!" I uttered at pagkakita ko ay nahiwa si Ringo sa kanyang likuran.

"Michael tumakas na kayo! Susubukan ko silang pigilan hangga't kaya ko!" Ringo said habang pinipilit niya pa rin ang kanyang sarili.

"Hindi! Hindi kita iiwan! T*ng ina! Walang iwanan! Kung mamamatay ka... parehas tayong mamamatay!" I said.

Ngunit parang nawawalan na rin ako ng lakas ng loob dahil sila ay parami nang parami na parang lahat sila papunta dito at hindi nauubos.

Then, out of nowhere...

Boom!

Slam!

Pack!

May isang nilalang na nakasuot ng kulay itim na cloak at berde na maskara na may hawak na dalawang patalim ang dumating, at kahit mag-isa lang siya ay kaya niya makipaglaban sa marami!

"Berde na maskara? Anong ibig sabihin kapag berde, Ringo?" I asked him habang tinatatayo ko siya nang maayos at pinapanood namin ang Juno na may berde na maskara na nakikipaglaban sa iba pang militar na Juno.

"Ngayon ko na lamang sila nakita ulit pagkatapos ng mahabang panahon! " Ringo said, "Ang berde na maskara ng mga Juno... sila ay ang organisasyon ng mga malayang Juno na ang layunin ay protektahan ang kanilang kinikilalang Oman sa oras na may matinding panganib!"

Ilang saglit lamang ay may dumating pa na isang Juno na may asul na cloak at kulay green na maskara at may hawak na nunchaku at tinutulungan niya at nakikipaglaban.

"Ringo... hindi tayo nag-iisa..." I said while crying since akala ko ay katapusan na namin...

"Mukhang ang kanilang kinikilalang Oman pa rin talaga... ay ang dating Oman na si Prey." Ringo said.

Project Juno (Pinoy MaleXMale/ M-Preg) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon