[ shin jiwoo ]
"uyy, ano 'yan? flowers na naman?" tanong ng kaibigan ko na si mica. she's my best friend from high school. sumilip ito sa locker ko at kinuha 'yung flowers and letter tsaka ito binasa.
"i can't wait to meet you." basa niya sa sulat. another white roses with letter na naman ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng locker ko. three white roses this time. there's this someone kasi na palaging naglalagay ng flowers with letters sa locker ko. secret admirer, maybe? i don't know. it has been three years. mula noong freshmen pa lang ako and i am currently in my third year.
cliche man isipin pero i find it sweet and cute. ewan ko. kinuha ko na lang 'yung mga librong kailangan ko mula sa locker.
"balik mo na 'yan, papasok na tayo."
"jiwoo, ayaw mo ba'ng malaman kung sino 'yung nagbibigay ng mga flowers at letters sa'yo?" tanong niya habang nilalagay pabalik 'yung mga bulaklak.
"nope, not interested. and for sure naman nandito lang siya sa campus," sagot ko. isinarado ko na ang locker ko at nag-umpisa nang maglakad. but to be very honest, curious ako kung sino man ang nagbibigay sa akin ng mga bulaklak.
"ayaw mo talaga?" huminto ako saglit at lumingon sa kaniya.
"mica, i'm sorry but i don't have time for that." napabuntong hininga ako.
"i was the one putting those flowers sa locker mo.." napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya. what? siya 'yung naglalagay?
"ikaw? what do you mean? don't tell me—" tanong ko sa kaniya na agad niya namang ikina-iling.
"hindi! gosh, jiwoo! i said putting ha, not giving. and i'm straight, okay? pero oo, ako nga 'yung naglalagay ng flowers." kuno't-noo ko siyang tinignan. she just scratches her head and sigh.
"okay, so i have this friend na may gusto sa'yo and he asked me a favor. 'yun nga ay 'yung bigyan ka ng bulaklak everyday." paliwanag niya.
"but it has been so long. tatlong taon mo nang ginagawa 'yon?" i asked her and she nodded. paano nangyari 'yon? eh, sabay kami lagi pumasok? every morning 'pag open ko ng locker ko may flowers na. without me knowing na siya pala ang naglalagay?
"do i know him? nag-aaral ba siya rito?" tanong ko at lumingon sa paligid.
"no, you don't know him and wala siya rito." sagot niya.
"but kilala niya 'ko?" how come?
"yes, remember noong 18th birthday mo? nagpunta tayo sa café na paborito natin noon. i didn't know na nandoon din pala siya that time, so he texted me and asked me kung sino raw 'yung kasama ko and kung ano raw ang pangalan mo. na-love at first sight yata siya sa'yo," she said and giggled. for real? he's that consistent? for three years?
"who is he?" tanong ko na ikinangiti niya naman at kumapit pa sa braso ko.
"won't tell! hihi, but finally you want to know him na! actually, he told me na if ever gusto mo siyang makilala, punta ka lang daw sa café na paborito natin." she smiled but faded eventually. she looked at me and sigh.
"jiwoo, i know you're missing your childhood friend. ilang taon na pero hanggang ngayon hinihintay mo pa rin siya. don't you think it's time for you to take a break? i mean, if babalik man siya, babalik siya." she said. i stared at her and think. ang tagal ko nang naghihintay sa kaibigan ko noong bata pa ako pero hanggang ngayon wala pa rin. wala rin akong balita sa kaniya. ni hindi ko nga alam kung ano na ang itsura niya ngayon. maybe she's right?
"ang dami mo nang pinaiyak na lalaki," she chuckled. i glared at her and raised a brow.
"joke lang, ang gusto ko lang kasi sabihin, why don't you open up your heart? hindi 'yung naka-focus ka r'yan sa childhood friend mo na baka nga hindi ka na kilala." i rolled my eyes at her. nang dahil sa sinabi niya, medyo natauhan ako.
"kailan ko siya pwedeng makilala? i mean, 'yung kaibigan mo?" tanong ko na ikinatili niya naman. what the heck?
"i assure you, jiwoo. matino 'yung kaibigan ko na 'yon. aalagaan ka niya gaya nang pag-aalaga niya sa sarili niya. yiee! masarap siyang kasama, maingay 'yon! and cute din siya! i swear, hihi."
"i just asked kung kailan ko siya puwedeng makilala pero ang dami mo nang sinabi," reklamo ko at umirap ulit.
"hehe, sorry. you can meet him mamaya after class? sasabihan ko siya agad!" she excitedly grabbed her phone and typed something. hinayaan ko na lang siya at nag-umpisa nang maglakad papasok sa room.
———
"jiwoo!" tawag sa akin ni mica at tsaka ako sinabayan sa paglalakad. kakatapos lang ng klase namin and we're about to go home.
"nasabihan ko na 'yung kaibigan ko, hihi. papunta na raw sya sa café. kinakabahan daw ang gago hahahaha," well, kinakabahan din ako and i don't know why. siguro dahil makikita at makikilala ko na 'yung taong nagbibigay sa akin ng bulaklak for three years? ewan.
nakarating ako sa tapat ng locker ko kaya binalik ko na 'yung mga librong kinuha ko. kinuha ko na rin yung flowers at letter. dadalhin ko na lang.
"ji, andoon na raw siya. hintayin ka na lang daw niya," tumango ako at isinarado na 'yung locker ko. sabay na rin kaming naglakad palabas ng campus.
"hey, mica. 'di ba rito 'yung daan papunta sa café? bakit d'yan ka?" tanong ko nang mapansin ko siyang lumiko sa kabilang direksyon.
"ay, hala oo nga pala! sorry, jiwoo baka hindi na kita masamahan sa café. hinahanap na kasi ako sa bahay, dumating daw 'yung lola ko. sorry, ji~ bawi ako sa'yo bukas, ha? kuwentuhan mo 'ko!" niyakap niya ako at kinindatan bago tumakbo paalis.
"t-teka hindi ko siya kilala.." tangina, paano na 'to? wala akong ideya kung sino 'yung kikitain ko. luminga na lang ako sa paligid at tinignan 'yung bulaklak na hawak ko. maya-maya pa ay nakareceived ako ng text galing kay mica.
from: mica yoo
red checkered polo with white shirt na panloob. naka black cap and mask. nandoon daw siya sa bandang dulo, tagong part. don't worry, tatawagin ka raw niya once na makita ka niyang pumasok. goodluck, ji! luv yah~
napabuntong hininga na lang ako. itinago ko na ulit 'yung phone ko bago magpatuloy sa paglalakad since medyo malapit lang naman 'yung place.
ilang minuto lang ay tanaw ko na 'yung café mula sa kinaroroonan ko. hindi naman na need tumawid, kaya that's good. tinignan ko ulit 'yung bulaklak na hawak ko at bigla na naman akong kinabahan. mas sobra 'yung kaba ko ngayon kaysa kanina.
umiling na lang ako at ngumiti nang bahagya.
nag-umpisa na ulit akong maglakad pero agad din akong napatigil nang makita ang isang kotseng tuloy-tuloy na papunta sa direksyon ko. wala na ito sa tamang lane. nanlaki ang mga mata ko nang malapit na ito sa gawi ko. balak ko pa sanang umatras o gumilid man lang para sana umiwas pero huli na ang lahat.
napansin ko na lang na parang naikot ang paligid ko. sinubukan ko'ng imulat ng todo ang mga mata ko pero hindi ko magawa. may mga taong nalapit sa akin at tila nasigaw pero wala akong marinig.
may isang lalaki naman na lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko pero hindi ko makita ang itsura niya. blurred lang ang nakikita ko. wala rin akong maramdam sa katawan ko.. anong nangyayari?
———
BINABASA MO ANG
lost • svt
Fiksi Penggemar᯽ lost || ongoing ᯽ ❝ as far as i can remember, i was walking towards a cafe that my friend have told me. pero nagulat na lang ako na pag-gising ko, hindi ko na kilala ang nasa paligid ko pati na rin ang sarili ko. ❞ lost - a seventeen ff story © xi...