[ ysha choi ]
dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mataas at kulay puting kisame. akala ko nasa ospital na naman ako pero nang ilibot ko ang paningin ko ay nasa practice room pala ako. malaking space ito kaysa doon sa kuwarto ng ospital. mabuti naman. sawa na akong gumising doon sa ospital matapos mawalan ng malay. nakakaumay.
pumikit muna ulit ako saglit bago marahang umupo. medyo kumirot pa ang ulo ko pero hinayaan ko na lang dahil nawala rin naman agad. i groaned and brushes my hair.
"ysha, kumusta pakiramdam mo? okay ka na ba?" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita si seungcheol na umupo sa tabi ko. so, dito ako natulog sa sofa ng practice room?
"i'm okay. nahimatay na naman ako, 'no?" pangungumpirma ko. duh, obviously nahimatay na naman ako. kakagising ko nga lang 'di ba? tsk.
"maybe? maybe, not. pero ang inisip ko na lang kanina ay nakatulog ka lang dahil sa kakaiyak mo. it's a relief na hindi tumigil 'yang puso mo, kaya rito na lang kita dinala. tsaka tatlong oras ka lang namang tulog, don't worry." medyo natigilan pa ako sa sinagot niya at bigla na lang pumasok sa isip ko 'yung huli kong naalala bago ako mawalan ng malay.
i know, i am hundred percent sure na hindi ako ang kausap ni seungcheol kanina. never ko siyang tatawaging 'kuya', over my dead body- okay, wala pala akong body. edi, over my lost soul na lang.
"anyway, ysha. i'm curious. ano 'yung sinabi mo sa akin kanina? na patawarin kita dahil iniwan mo kami? what do you mean by that?" hindi ako nakasagot sa tanong niya at napayuko na lang. pati ako ay hindi alam kung paano 'yon lumabas sa bibig ko. para bang may kumokontrol sa akin nung mga oras na 'yon. posible kayang si ysha? kasi hindi ako 'yon, eh.
"hindi talaga ako 'yon," bulong ko sa sarili ko.
"alin ang hindi ikaw?" bakas ang pagtataka sa kaniyang tanong. napaangat ako ng tingin sa kaniya. narinig niya 'yon? ang talas naman ng pandinig nito.
"seungcheol, hindi ako si ysha. hindi ako ang pinsan mo," saglit na katahimikan ang namagitan sa amin. tinitigan ko lang siya ng ilang segundo, nagbabakasakali na mapansin niyang seryoso ako sa sinabi ko.
maya-maya naman ay marahan niyang hinawakan ang mukha ko at para bang sinusuri ito ng mabuti. agad ko namang tinabig ang kamay niya at tinaasan siya ng kilay.
"ano ba? 'wag mo nga akong hawakan!" reklamo ko at inis siyang inirapan. i heard him chuckle kaya binaling ko ulit ang tingin sa kaniya.
"baby sis, hindi ka pa yata okay. inaantok ka pa ba?" agad akong napabuga ng hangin sa itinanong niya. wala, walang naniniwala sa mga sinasabi ko. nagmumukha lang akong tanga. kainis. agad ko namang nailipat ang tingin ko sa may pintuan ng practice room at kusa na lang tumaas ang kilay ko.
"seungcheol, sinabihan mo ba 'yung iba tungkol sa nangyari sa akin ngayon?" tanong ko.
"huh? hindi ah. wala akong pinagsabihan," saktong pagsagot niya non ay siyang pagdungaw ng ulo ni jeonghan sa pinto. hindi pa siya nakikita ni seungcheol dahil nakaharap siya sa gawi ko.
"talaga? kahit 'yung jowa mo?" hindi makapaniwala kong tanong.
"uhm, hehe si jeonghan lang. siya lang sinabihan ko, promise!" as usual, syempre iuupdate ang jowa. pweh.
nakita ko namang dahan-dahang pumasok si jeonghan at kumaway sa akin. i immediately groaned nang mapansing hindi lang siya nag-iisa.
"ugh! bumalik ka na nga roon sa inyo at magpractice na kayo! sinusundo kana ng mga kampon mo," saad ko na lang. i crossed my arms and lean on the sofa. agad naman siyang napalingon sa pintuan at bahagyang lumaki ang mata nang makita niya sina joshua at wonwoo.
BINABASA MO ANG
lost • svt
Fanfiction᯽ lost || ongoing ᯽ ❝ as far as i can remember, i was walking towards a cafe that my friend have told me. pero nagulat na lang ako na pag-gising ko, hindi ko na kilala ang nasa paligid ko pati na rin ang sarili ko. ❞ lost - a seventeen ff story © xi...