A/N: flashback mode parin po ito, Continue reading po :)
-*-*-*-*-*-*-*-*-
Habang nasa kalagitnaan ng daan eh syempre nilalasap ko ang magandang amoy ng simoy ng hangin parang nangangamoy loveteam kasi hehehe. Tahimik lang kami ni albie sa biyahe at nakakabagut manahimik kaya dadaldalin ko nalang muna siya huminga muna ako ng malalim bago nag salita.
"Auhm Albie, saan ba tayo pupunta?"
"Kung hanggang saan ang gas ng motor ko brei" sagot nito
"hoyy albie. Paano tayo makakauwi kung naubos na yang gas mo baliktad ba yang kukuti mo?" di makapaniwalang saad ko sakanya sino ba naman kasing tao ang matutuwa doon? Kahit crush ko siya di parin ako papayag na ma stranded kami sa iisang lugar ano.
Tumawa si albie. In his most handsome tone ano bayan ang unfair naman. Kapag ako tumawa parang bruha eh. Pero infairness tawa palang ni albie nakakahumaling na ano pa kaya kung naka angkas ka sa motor nito habang nakayakap sa bewang niya.
"Just kidding" sabi nito. Huminto kami sa hindi ko pamilyar na lugar.
"Saan tayo albie?"
"Nandito tayo sa tambayan ko, madalas ako dito, halika akyat pa tayo doon para makita mo yung mga city lights" medyo pa burol kasi itong lugar na pinuntahan namin kaya umakyat kami ng kunti kung titingnan ang dinaanan namin hnd masyado mataas pero pag dating mo sa tuktuk masasabi mo talagang para kang nasa langit sa ganda. Tanaw na tanaw mo ang kabuoan ng Maynila.
"Ang Ganda dito albie" bakas sa mukha ko ang paghanga sa lugar. Sa dinami rami ng napagdaanan ko sa murang edad parang napawi ang lahat ng sakit at lungkot ko ng makita ang lugar.
"Just like you Brei" Natamimi naman ako sa sagot niyang yun. Dumagundong nanaman ang kakaibang pag tibok ng puso ko. Kaya yumuko nalamang ako at baka mahalata niyang namumula ako.
"B-bakit mo nga pala ako dinala dito albie?" tanong ko nalamang.
"Because, i want to share it with you." naka ngiting ani nito habang nakatingin saakin "this place is indeed breathtakingly sublime brei" pagpapatuloy niya habang nakatanaw sa buog syudad "Tsaka dinala rin kita dito para sabihin na, kasing ganda mo ang mga ilaw na nakikita natin sa baba" sabi nito ng nakatingin sa mga mata ko.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa mga narining mula mismo kay albie, biglang nag init ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin at tumayo.
Huuuuu!! Paano bato? Ang init init para akong maiiyak sa init na na raramdaman ko.
"V-vlogger kana rin pala Albie" pag aalinlangang natatawang saad ko.
"Im serious Brei, hayst" pag buga niya ng malalim na hininga. Tumayo siya at lumapit saakin kaya naman mas umiba ang nararamdaman ko nag hahalo na ang kilig, saya at kaba.
"The first time i saw you, I feel like im being under your spell, and i really really like it, whenever i see you laugh with vernie, I-I always pray that someday ako nanaman magiging dahilan ng pagtawa mo"
Hindi ako makapagsalita o kahit makatingin man lang ng deritso sa mga mata ni albie pakiramdam ko kasi ay para na akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko. At "hello albie ikaw naman ang rason kung bakit tumatawa ako sa harap ng baklang vernie ehh.." gusto ko sanang sabihin yun sakanya pero pinigilan ko talaga ang sarili ko.
" 4 years, 4 years kong tinatago to Brei, Buti na ngalang talaga at sa apat na taon nayun ay dika nawawala sa class officer kaya, naman parang pabor saakin ang makapag meeting sainyo."
"Auh A-albie, baka nilalagnat ka lang ano ba yang pinagsasabi mo?" kinakabahang saad ko at kusang kumawala sa pagkakahawak niya saakin naiilang ako ampucha!
YOU ARE READING
Epitome of Beauty (ON GOING)
RomanceStart: January, 2022 This Story is all about the true Essence of Beauty, what does beauty really mean?, what are the characteristics that consider you as Beautiful? and when it comes to love, how can you define Beauty in Falling Inlove? Breilla Loui...