Nagising ako dahil sa lakas ng sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Kaya naman bumangon na ako at nag inat ng biglang pumasok si Vernie.
“Buti naman at gising na pala ang tatanga tangang Ambassadress namin.” Pagbibirong saad ni vernie. Inirapan ko nalamang siya at nag tungo na sa banyo.
“Teka? Paano ba kami nakauwi kagabi?” tangang tanong ko sa sarili habang naghihilamos.
“Breakfast is ready” maligalig na saad ni Steff, nang makalabas ako sa kwarto ko.
“At bakit sila nandito?” tanong ko ulit sa isipan.
“Ang aga-aga niyo naman ata mang bw*s*, at talagang nag luto pa kayo” saad ko habang humihila ng upuan at naupo.
“Baliw kaba? Nakalimutan mo bang nag club tayo kagabi?” wika ni Vernie.
“Hindi naman, bakit? Dito ba kayo natulog?” tanong ko sakanila.
“OO” sabay na saad ng tatlo habang naka pamewang sa harap ko.
“okay” simpleng sagot ko at nag kibit balikat.
“Okay? Okay lang Brei? Jusmeyo wala man lang thank you jan?” na eestress kunwaring saad ni Vernie at naupo na sa upuan kaharap Ko.
“Bakit ba? Ano bang nangyari?” walang ideyang saad ko, napalingon naman si tasha at steff, I raise my eyebrow to them saying that “I don’t really have a clue”
“Baklaaa! Gusto mo ikwento namin?” saad naman ni Vernie
“E action narin para gets mo talaga” suhestiyon naman ni tasha, tumango naman ako at nag simulang kumain.
(Flashback third Person POV)
“Breeeeiiii”
“Takte, Breeeiii”
“Bakkkkklaaaaa”
Sabay na sigaw ng tatlong kaibigan ni Brei, lakad takbo ang ginawa nila upang makalapit sa babaeng naka handusay sa sahig ng club.
“Baklaa bakit naman ganyan?” napapahiyang saad ni Vernie.
“what happen?” biglaang tanong ng lalaking napupusoan ni Brei na si Ace.
“Nalasing, kaya ayan humandusay sa sahig” saad naman ni Steffanie.
“What?!” nag aalalang saad ng lalaki at kaagad na binuhat ang dalaga.
“Saan mo siya dadalhin?” tanong naman ni Tasha.
“I’ll take her to her unit” simpleng saad ng lalaki.
“Kami nalang” saad naman ni Vernie.
“Kaya niyo ba siyang buhatin? Paakyat sa fift floor ng condo unit?” tanong ng lalaki sa tatlo, nagkatinginan naman ito at sabay na umiling, total ay may mga tama narin ito at talagang hindi nila kakayanin.
Walang pasabing naglakad palabas ng club ang lalaki bitbit ang dalaga at isinakay ito sa kotse nito, agad namang bumuntot ang tatlo sakay ang kotseng dala ni Brei.
Nang makarating sa condo Unit, dahan dahan namang inihiga ng lalaki ang dalaga sa kama, at kinumotan ito.
“Kami na bahala kay Brei, Ace” wika ng baklang kaibigang ni Brei na si Vernie.
Ngunit hindi siya sinagot ng lalaki, kumuha ng basang bimpo ang lalaki at pinunasan ang balat ng dalaga. Nagkatinginan naman ang tatlo at napagkasunduang lumabas muna.
YOU ARE READING
Epitome of Beauty (ON GOING)
RomansaStart: January, 2022 This Story is all about the true Essence of Beauty, what does beauty really mean?, what are the characteristics that consider you as Beautiful? and when it comes to love, how can you define Beauty in Falling Inlove? Breilla Loui...
