I unblocked Ace from instagram, naisip ko lang kasing masyado kong ipinapakita na apektado ako, I am now having my dinner here in my unit, kanina pa ako kumakain pero parang wala pang bawas yung pagkain ko, wala akong ganang kumain scroll lang ako ng scroll sa Ig ko.
Naisip ko nanaman kung paano ko nasaktan si Ace kanina, His expression makes me weak, his response makes me suffer in pain.
Tululoyan na akong nawalan ng ganang kumain kaya nagligpit nalamang ako at pumasok na sa kwarto at tumambay muna sa balcony. Napatingin ako sa langit at napapikit.
"Lord, kung mas pinili ko po ba yung kasiyahan ko mapapatawad po ba ako ni steffanie?" parang naiiyak na saad ko habang tahimik n kinakausap ang nasa itaas "Kung pinili ko po ba si ace, magiging masaya po ba kami?" tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mata ko "Kung inamin ko po kay Ace na gusto ko rin siya, magiging masaya po ba siya?" pinahid ko ang luhang tumulo sa pisnge ko, huminga ako ng malalim at napalingon sa gilid na kung saan makikita ko ang balcony ni Ace. Madilim sa kwarto niya wala akong maaninag na kahit konting ilaw. Napangiti ako ng mapait ng maisip na maaaring iwasan niya narin ako dahil sa mga sinabi ko.
Napagdesisyonan kong magbihis at umuwi muna sa bahay, ako nalang ang lalayo, mas mabuti narin yung hindi ko siya makita tuwing umaga. Nag impake na ako ng mga gamit ko at pinatay lahat ng ilaw at umalis na.
Nasa harap na ako ng elevator, hinihintay kong bumukas ito kaya nag antay pa ako ng kaunting minuto.
After a minute, the elevator open, kaya naman hinawakan ko na ang maletang dala ko at papasok na sana ng napahinto ako nang makita si Ace.
Napahinto rin siya at napatingin sa mga dala ko, nangunot ang noo niya, at iiling iling na nilampasan ako, napabuga namn ako ng hangin at tumuloy na sa elevator.
Meanwhile...
Nakarating na ako sa bahay, ng mapansin kong wala si kuya fred kaya nagtanong nalang ako kay tonet.
"Nasaan si kuya fred?"
"Umalis Po Maam, sinundo ang mommy at daddy niyo" sagot naman nito.
"Uuwi na sila? Akala ko next week pa"
"Ewan po" sagot naman nito. Tumango nalang ako at hinila ang maleta ko.
"Tulongan ko na ho kayo" presenta nito, ngumiti nalang ako at tumango.
Nang makarating sa pinto ng kwarto ko ay nagpasalamat ulit ako kay tonet.
"Tawagin mo nalang ako mamaya pag andiyan na sina mommy, thanks"
"Opo" sagot nito at umalis na.
Nag ayos muna ako ng mga gamit ko bago napagdesisyonang maligo at magbihis na ng pantulog. Matapos maligo at makapag bihis ay napagdesisyonan kong lumabas nalang muna at tumambay sa garden.
My phone suddenly rang in the middle of my flying thoughts. Its sean calling, kinabahan naman ako bigla sa kadahilanang maaaring sinabi ni steff sakanya ang mga nangyari at papagalitan ako hayst!
"Sean?" bungad ko, kunwaring walang nangyari.
"Brei, Uuwi na pala ang Mommy at Daddy mo ngayon"
"Uhm yes, actually kakauwi ko lang din dito sa bahay, they didn't even bother to tell me na uuwi na pala sila"
"HAHAHA, Deserve" panunudyo nito " Anyways lets have a proper photoshoot tomorrow with Albie of course, Para may bago tayong display sa mga billboards"
"Kailangan paba yun? What if yung photoshoot nalang namin with the product?" nag aalangang tanong ko, ewan ko ba parang diko pa talaga feel.maka trabaho si Albie.
YOU ARE READING
Epitome of Beauty (ON GOING)
RomanceStart: January, 2022 This Story is all about the true Essence of Beauty, what does beauty really mean?, what are the characteristics that consider you as Beautiful? and when it comes to love, how can you define Beauty in Falling Inlove? Breilla Loui...
