Bays

2.6K 58 1
                                    

“Suki! Mga kapamilya, kapatid, kapuso—bili na keye!” 

Sa palengkeng matatagpuan sa 5th avenue ng Kalokotan, isang lalaking—mapaghahalataang beki—ang kumekembot-kembot habang winawagay-way ang sitaw na hawak niya sa kaniyang mga panindang gulay at isda. Nakalipstik ito nang pula at halatang kinapos sa foundation dahil halata ang pagbabago ng kulay nito sa mukha papuntang leeg.

Hindi naman nakakatakas ang mga suki sa malakas ngunit nakakaaliw na sigaw ng beki, 5:30 palang ng madaling araw at nagulat sila nang makita itong nakatoka agad sa pwesto. Unang lumapit si Aling Besa—sinuri muna at tinapik-tapik ang kaniyang mga tindang isda.

“Oh, Bays, bakit parang ang aga mo ata ngayon?” sabi ni Aling Besa kay Vice na busy parin sa pagsigaw. Tumigil naman saglit si Vice at natawa ng kaunti. “Ay nako, ale’ Besa, mag-aaral na ho ulit kasi si Kiray—kelangan ko magtrabaho at kumita agad ng mabilis, malapit na rin ang enrollment eh.”

Itinuro ni Aling Besa ang kaniyang mga napiling isda at tatlong pulang itlog para ipabalot kay Vice. Nang ibibigay na ni Vice ang mga biniling nakalagay sa plastik kasama ang 60 na sukli nito, kinuha lamang ni Aling Besa ang plastik at binalot ang 60 sa palad ni Vice.

“Aleng Besa, wit ka may sakit? Sukli niyo po ‘to.”

Umiling lamang si Aling Besa, “Sayo na yan Bays, kaunting tulong lang yan. Balitaan mo ko sa pers day ni Kiray ah? Naku, grade 4 na si bunso—sabihin mo sa kaniya mag-aral siya ng mabuti! Ka’y sipag nang kaniyang kuya.”

Muntik na maiyak si Vice lalo na nang maimagine niya ang kumakaway-kaway na Kiray sa kaniyang first day sa skul—dapat kasi talaga’y grade 6 na siya kung hindi lang sila nagdesisyon na pahintuin siya sa pag-aaral dahil nagkasakit ang kanilang tatay at kapos ang perang pantustos ng pag-aaral nito.

“Salamat po Aleng Besa. Ka’y sipag nang kaniyang ate sana ang siney mo, putok sa lipstik labi ko oh.” biro ni Vice at tinuro pa ang kaniyang labi na pulang-pula. Natawa lamang si Aling Besa at naglakad na papalayo.

Naiwang nakatingin—na may ngiti sa labi—si Vice sa tatlong bente na nakalatag sa kaniyang palad. Mababaw man ang rason ngunit nakaramdam siya ng matinding galak.

==

Palubog na ang araw nang makarating si Vice sa kanilang kalye. May mga batang bumati sa kaniya at ilang mga suki na naninirahan rin sa kanilang lugar habang siya ay naglalakad, ngiti at kaway lamang ang isinusukli niya.

Pumasok si Vice sa maliit na eskinita kung saan maraming batang nakahubad, mga tingi-tinging tindahan, at ilang bangko na inuupuan ng mga lalaking may malalaking tiyan habang naglalaro ng chess, may San Mig Light na alak sa tabi. Naglakad siya sa dulo ng eskinita at natanaw ang kanilang bahay na gawa sa kahoy at yerong matibay na kulay orange at may halong red sa gilid-gilid. Sa lugar nila, ito na ang masasabi mong pinakadisente at maayos na bahay. Pumasok siya sa loob at nakita agad ang nanay niyang nakatalikod at naghuhugas ng pinggan.

“Hi nay!” masiglang bati nito sa kaniyang ina—na si Dolores—na agad naman narinig niya at nagpatuyo agad ng kamay sa bimpong nakasabit sa balikat nito. Lumapit ito kay Vice at piningot ito sa tenga, napa-aray naman si Vice sa sakit.

“Nay—aray!—nakakaloka. Bakit bigla ho kayong namimingot?!” sabi ni Vice habang hinihimas-himas ang namumulang tenga.

“Aba ikaw bata ka!” halata sa mukha nito ang pag-aalala, “Umalis-alis ka nang madaling araw nang walang nakakaalam, hindi namin alam kung anong nangyari sayo! Naku talaga, sa susunod nga magpaalam ka nga muna kung aalis ka nang maaga, pinag-aalala mo kami eh.”

Natawa naman ng kaunti si Vice, “Opo nay. Chill na, here na me oh.” sabi ni Vice at umikot-ikot pa para ipakita ang sarili. Natawa nalang rin si Dolores. Matapos magmano ni Vice sa ina, luminga-linga naman ito para hanapin si Kiray.

“Asan si bunso?”

“Dun, sa bayan.” sabi ni Dolores habang naghahanda nang makakain ni Vice. “Ako na po nay.” sabi ni Vice at kinuha ang platong isasalang sana ni Dolores, “Sa bayan? Luh nay, pinabayaan niyo umalis yon nang mag-isa sa bayan?”

“Tange!” sabi niya kaya natawa si Vice. “Sumama sa tatay mo, excited nga eh, namili sila ng mga kakailanganin sa skul niya ngayong pasukan.” natuwa naman si Vice sa narinig.

“Pero tutoy salamat ha.” naubo naman si Vice sa pagbanggit nang kaniyang totoong pangalan. “Nay naman, Vice na nga lang eh.” natawa lang si Dolores. “Hindi talaga namin kakayanin kung wala ka, siguro hindi gagaling ang tatay mo, at hindi rin makakabalik sa pag-aaral si Kiray. Salamat, nak.”

Nginitian lang siya ni Vice at hinawakan ang kamay ng kaniyang ina. “Nanay talaga, ang drama.” pabaklang sabi nito. “Para san pa’t pinagtapos niyo ko ng pag-aaral?! Syempre, ako ang tutulong sainyo.”

Nahalata naman ang biglang pagkalungkot sa mukha ni Dolores na ikinasisi ni Vice sa sarili. Bakit niya pa nga ba nasabi ‘yon. Maging siya ay nakaramdam ng lungkot ngunit hindi tama ang oras na ito para ‘dun. Kailangan niya maging matatag at malakas.

“Hmm,” biglang sabi ni Vice, “Sarap naman ng luto mo nay, turuan mo nga ko neto. Inpernes ah, pwede na sa raket!”

Nakahinga siya nang maluwang nang mabago ang takbo ng usapan at naging masaya ulit ang hangin.

Oo, nakapagtapos siya ng pag-aaral sa kursong Business Administration. Lagi niyang sinasabi sa sarili na kaunting sakripisyo lang naman, kaunting sakripisyo para sa kaniyang pamilya—para sa pantustos ng mga kailangan nila para mairaos ang pang araw-araw nilang pamumuhay. 

For Hire |ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon