I Hate You's

1.1K 60 6
                                    

2000 words, I know, I know. Masiyadong paring maikli itong update na toh para sa mga pinaghintay ko ng two weeks. Long overdue. Nakakahiya. Sorry po guys, huhu. Nagbakasyon kasi kami sa Pampanga tapos pagbalik ko ng Manila, requirements be like: Hello!!! Going to drag you to hell.. ;)


Ansaya lang diba.


Leave a comment, share and vote! (hindi po ako namimilit, pero pwede na rin. Chos!)


Slow updates may be coming pero maguupdate parin po talaga ako. Hahabaan ko na mga chapters. E-hehe. Tsaka binibuild up ko na ugali ni K dito ha. Huhu. :)



==


Nakatingin lang si Karylle sa bintana ng kotse, iniisip ang kaninang tinext sa kaniya ni Jake. Jake asked her forgiveness and here she is, pinag-iisipan kung dapat ba tanggapin 'yon. Hindi naman niya itatanggi na kahit papaano ay mahal naman talaga niya si Jake. Minsan lang talaga nagiging bastos ito but he's nice.


If he's sincere about it, dapat nasa harapan ko siya ngayon. She thought to herself. Nainis siya dahil sa text pa ito nagso-sorry.


At dahil may konting inis na sa katawan niya, dumagdag ang irita dahil hindi niya na-feel na umaandar ang kotse. Mag-iisang minuto parin silang nakastop. Tinapunan niya ng tingin ang baklang nasa driver seat.


"Baka gusto mong mag-drive?" mataray niyang sabi. Kita rin niya ang butil-butil na pawis na tumutulo sa noo ni Vice. He looked nervous kaya napaisip tuloy si K. "H-ha? Sige."


Hindi naman na umimik si Karylle at umirap pa. 10 seconds after at tsaka lang niya narinig ang makina ng kotse na nabuhay. Her patience is wearing thin this time. They are not moving at all.


Nakita niya ang kinakabahang mukha ni Vice, palinga-linga ito sa manibela, gear, at sa pedals. It all clicked into one place. Napa-facepalm si Karylle mentally. She was supposed to get angry and all but..


"Seriously?!" Karylle said as she bursts out laughing. "Ang lakas ng loob mo maging personal body guard ko and you don't even know how to drive?!"


Nagulat naman si Vice at hindi mapigilang mamula dahil sa hiya. "Excuse me lang maldita ha, ikaw na nagsabi, body guard mo'ko at hindi driver!"


"Ang dami mong sinasabi. So ano, ako pa magda-drive? Baka naman ako pa ang mag-tanggol sayo? I knew it! Bakla." sabi ni K na may tono ng pang-aasar. Nabwisit naman si Vice sa narinig.


"Oh eh ano naman kung bakla? Sige lang kakainin mo rin yang mga sinasabi mo." Vice said and rolled his eyes. Nakita ni Vice ang tumatawang mukha ni Karylle sa mirror and he can't help but to think. Parang kanina lang sobrang sungit! Tapos ngayon parang mamamatay na kakatawa. Bipolar pala toh eh.


"Tawa pa, ke babaeng tao ang laki ng bunganga." sabi ni Vice at ngumisi pa. Napatikom naman ng bibig si K dahil sa hiya. Bilang ganti, malakas niyang sinipa ang seat ni Vice sa ilalim. "Aray!"

For Hire |ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon