Spoiled

1.3K 61 2
                                    


"Bays, sige na, 35 nalang." sabay turo ni Mang Etoy sa mga gulay na kailangan niya. Napakamot naman ng ulo si Vice at napaisip. "45, deal?"


"Ang mahal naman." may kasamang panghihinayang na sabi ni Mang Etoy.


"Kaloka ka Mang Etoy ha, 45 na nga lang eh. 50 po kaya yan, laki ng discount mo teh."


"Kwarenta'y tres?"


"41 pesos."


"Kwarenta'y dos."


"Hay naku, sige na nga!"


Napabuntong hininga nalang si Vice at binalot na ang mga gulay na tinawad ni Mang Etoy. "Mang Etoy ha! Nakakaabot ka na ng porti saken, last na tawad na yan." biro ni Vice na may halong katotohanan nga naman.


"Maraming salamat Vice, sayo lang ako nakakatawad ng ganito eh. Kaya siguro andami mong suki." pasasalamat nito. Kung sa tutuusin siya lang naman talaga ang tumatawad sa mga suki ni Vice, ngunit dahil sa kabutihan nia pinagbibigyan niya na lamang ito. Masarap rin tumulong sa kapwa habang tinutulungan ka rin.


"Mga suki! Kababayaaaan! TV Patrol na! Charot, bili na kayo! Isda, gulay, mga itlog!" muling sigaw ni Vice na nilagyan niya pa ng kulot sa dulo para makaakit ng mga mamimili. Agad naman siyang pinuntahan ng mga mamimili at hindi mapigilang mainggit ng mga tindera't tinderong katabi ng pwesto niya.


Habang isa-isa niyang inaasikaso ang mga bumibili, isang matinis na sigaw naman ang narinig sa bandang likod mula sa kaniyang pwesto. May ilang mamimiling napalingon ngunit isiniwalang bahala lang ang narinig, may mga ilang nakiusi at may mga ilang lumapit. Parang walang pakielam naman si Vice at tinuloy lang ang pagtitinda.



"—talaga, Miss."


"—sorry?!"


"—mahal pa sa buhay mo 'tong skirt ko!"


"—sinasadya, Miss, maniwala po kayo!"


Hindi na napigilan ni Vice ang sarili at nilingon na ang nagaganap sa likod. Kumpulan ang mga tao at halatang may nangyayaring kaguluhan sa gitna. Sa gilid ng kaniyang mga mata, nahagilap naman niya si Ryan kaya tinawag niya ito. Si Ryan ang isa sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan niya dito sa palengke.


"Nanay bakit?" tanong ni Ryan na may halong pagtataka. Nakatingin parin si Vice sa kaguluhan sa likod ."Ryan, ikaw muna magbantay dito sa pwesto ko. Babalik ako, mabilis lang itech."


Pumayag naman si Ryan at siya na ang nagtuloy sa pagtitinda. Habang papalapit naman si Vice sa nangyayari sa likod, kinailangan niya muna isiksik ang sarili sa sobrang dami ng tao.


"Eksyus—aray shet—skyus po." magalang na sabi niya sa isang Ale na nabangga niya. Napalingon naman ito sa kaniya at agad niyang nakilalang si Aling Besa ito.

For Hire |ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon