First Day

1.7K 70 4
                                    

Sorry for the long wait, sick ehe. :) Tah nitong lagnat pinupuntirya ako kaya pag may naispatan kayong kakaiba at wrong grammar, pagpasensyahan na hehe. Thank you po sa mga nagbabasa nito at nagvovotes, gusto ko sana kayo isa-isahin kaso mabagal laptop at sa MS Word lang talaga ako nagddraft.

Gusto ko na talaga itry mag twitter. Bahala na amp oki mwah



"Thank you ha, nag abala ka pa.." sabi ni Vice sa kasambahay na nagturo sa pinto ng kaniyang magiging kwarto. 20 minutes rin silang nag-inikot para ipakita kay Vice ang perimeter ng mansion.

"Mukha ka namang mabait eh kaya keri lang." sabi ni Maribel at biglang kinalabit si Vice sa balikat kaya napatingin si Vice.  "Bakla ka noh? Di ko naman sasabihin-"

"Proud gay teh. Tsaka parang timang to di naman ako ganon ka chaka para maging mukhang holdaper sa kanto noh." sabi ni Vice at tumawa. Paalis na sana si Maribel nang bigla hilahin ni Vice ang laylayan ng uniform niya.

"Ay wet saglit lang! Asan yung kwarto ni.." napahinto si Vice habang inaalala ang pangalan nung babae. "Karylle... ni Miss Karylle? Ako naman kasi yung nakatoka sa kaniya kaya dapat alam ko kung nasan siya."

"Ay uu nga." napakamot siya bigla ng ulo. "Second floor kasi to bakla.. lahat ng maids at guard dito natutulog." sabi ni Maribel at tinuro ang hilera ng mga pinto. Nanlaki ang mata ni Vice sa sobrang dami ng kwarto lalo na't kung iisipin mong second floor palang to.

"Sila ser at Mam naman sa taas, third floor.. kami kasing mga kasambahay hindi pinapaakyat pwera lang kung sinabi. Hindi ko lang alam sayo.." sabi niya kaya napatango lang si Vice. "O siya, iwan na kita uy, pumasok ka nalang diyan. Darating na rin yan sila ser mamaya."

Tumango nalang ulit si Vice at nagpasalamat bago siya iwan. Nang mawala na sa paningin niya si Maribel, hinarap niya ang pinto ng kaniyang kwarto at napangiti nalang sa sarili. Dahan-dahan siyang pumasok at napanganga nang makita ang kabuuan ng kwarto.

"Ang laki..." manghang sabi niya sa sarili at inikot ang buong paningin sa kwarto. Hindi naman na siya nagulat nang makita ang mga gamit niya na nakapatong sa gilid. May isang CR rin na nakatoka sa isang sulok ng kwarto.

Nakita niya rin ang magiging kama niyang sobrang laki na parang minultiply ng tatlong beses ang kama niya sa bahay nila. Naninibago niya itong inupuan at pinaltabog niya pa ang sarili dito ng ilang ulit. "Ritskid ng punda ng unan ohh.. taray!"

==

"I'm going home na Dad." sabi ni Karylle while fixing her things. It was already 7 pm at nasa 3Kings parin ang mag-ama dahil may mga diniscuss at iniwang reminders si Modesto kay K para sa schedule nito bukas.

"Are you still keeping that?" biglang tanong ni Modesto nang makita ang picture ng asawa niya at nanay ni K sa purse nito bago minadaling i-zip ito ni K.

"What's to stop me anyways.." nag-iwas ng tingin si K bago tuluyang maiayos ang gamit. "Namimiss ko lang siya."

"Karylle.." Modesto shot her a warning look kaya medyo nainis si K and planned to say something back. But instead she just slumped her shoulders in defeat. "I know, I know.. wag nalang natin pag-usapan. We're going to argue with this again."

"Very well." sabi nalang ni Modesto dahil nafeel na rin niya ang pagod sa katawan. "Let's go home."

==

"Kailangan talaga to?" tanong ni Vice at naglook down over his shoulders para makausap si Maribel. They were both standing behind the gate para hintayin ang kotse ng kanilang amo.

For Hire |ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon