Ikaw?!

1.1K 71 2
                                    

Maraming salamat sa mga nagvovote at nagbabasa nito huhu. Ginagahanan at lumulutang talaga ako pag may nakikita akong nagvovote. Arte luh. Hahaha. Sorry for the long wait!

Anyways, try ko bumawi next chapter! More exposure for Vicerylle. Rnnnnn. :)))


1:15 PM

@ 3 Kings

Prenteng-prenteng naka-upo si Modesto sa kaniyang swivel chair, nakatalikod ito at tahimik na pinagmamasdan ang outside view sa transparent wall ng kaniyang office. His line of thoughts obliterated from the sound of loud knocking on the door.

"Come in." sabi niya kahit kilala naman talaga niya kung sino ang papasok. Inikot niya ang kaniyang upuan at nakita si Karylle na nakacross-arms at nakasimangot.

"Oh wow, you're here early. Excited?" tumawa siya ng mahina, afterwards motioned Karylle to sit.

"Stop acting like you didn't plan all of this." bulong ni Karylle at umupo. Hindi nalang ito pinansin ni Modesto kahit narinig niya ito.

"What brought you here so early, my dear?"

"Dad, I told you hindi ko na kailangan ng alalay. Maybe we should already stop this. I can handle myself, believe me. I don't need a personal whatsoever." pangungumbinsi ni Karylle.

"Hindi alalay, Karylle. He'll be in-charge of you and we've talked about this." seryosong sabi ni Modesto."Besides," he says and glanced at the wall clock. "Makikita mo naman na siya."

Karylle rolled her eyes. And from that moment, she's determined to get rid of her personal whatsoever as fast as the second he got the job.

==

"Kiray, may kumakatok paki-buksan yung pinto." tawag ni Vice kay Kiray. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga gamit at hinahanda na ang sarili para sa pagbalik sa 3Kings mamaya. Tumayo naman si Kiray sa kinauupuan at pinagbuksan ng pinto ang lalaking kumakatok.

"Kuya, may padala ka." sabi ni Kiray na ikinalito naman ni Vice. Huminto si Vice sa ginagawa at pumunta sa pinto. Nasa harapan niya ang isang lalaking nakasuot ng leather na may coat na red. Sa gilid nito, makikita ang isang motor na may malaking box sa likod na may tatak na LBC. May hawak itong ballpen at papel.

"Ser, pirma po kayo dito." sabi ng lalaki, matapos ay binasa muna ni Vice ang papel bago pirmahan. Nanlaki ang mata niya nang makitang galing ito sa kompanya ng 3Kings. May binigay naman ang lalaki sa kaniya na puting kahon.

"Salamat." matapos magpaaalam,  nilagay na ni Vice ang puting kahon sa lamesa at unti-unti itong binuksan. Tinaas niya sa kaniyang kamay ang light blue na polo at kapartner nito ang isang black pants. Limang pares.

"Shet kuya, ayan ata yung uniform mo." manghang sabi ni Kiray sa gilid niya, muntik na niyang makalimutan na katabi niya pa pala ito. "Pogi mo siguro diyan pag sinuot mo."

Tinignan naman siya ni Vice na parang may sinabi siyang nakakainsulto. "Tigilan mo ko Kiray ha. Tsaka," sabi niya at tinignan muli ang limang pares na nakalatag. "Nakakahiya naman yata. Dun na nga ako titira't lahat-lahat may ganito pa."

"Ay so bet mong ikaw nalang bibili? Sige kuya tara ibalik na natin." sabi ni Kiray at nagkunwaring ibabalik ang mga damit sa puting kahon. Pinigilan naman siya ni Vice. "Charot lang. Andito na eh ibabalik mo pa."

"Dami mo pang arte kuya eh, eh uniform mo naman talaga yan. Tsaka pag ikaw ang bumili baka pink at violet pa ang matripan mong kulay." natatawang sabi ni Kiray. Tumawa nalang si Vice at yinakap nang pasakal sa leeg si Kiray. "Ikaw ang dami mong alam grade 6 ka palang, patutumbahin na kitang bata ka! Charot."  

For Hire |ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon