Personal Body Guard

1.6K 71 2
                                    

By the way, Mr. Tatlonghari is only 42 years old here in this story. Walang basan ng trip. x))))) 

Brad, sure ka na talaga dito?” tanong ni Vhong, bakas ang kaba sa boses nito para sa kaibigan. Parehas silang nakatingala at hindi mapigilan mamangha ng dalawa sa tangkad ng gusaling nasa harapan nila ngayon.

Siniko naman siya ni Vice nang mahina. “Gaga, ngayon pa tayo aatras? Sayang pamasahe te. Eto na to Vhong. 32 kiyaw per month oh.”

“Ayun nga yun e. 30 thousand to Vice.” sabi ni Vhong, “Sigurado akong may iba ring magaapply diyan, tsaka brad, sure ka bang kaya mo?” pinisil-pisil naman ni Vhong ang masels ni Vice sa braso na sa kung tutuusin ay puro laman lang naman. Hinampas naman ni Vice si Vhong sa ulo gamit ang brown envelope na hawak-hawak niya. 

“Eh, ediiiii bahala na!” napaisip naman si Vice saglit at tinititigan muli ang gusali. Ganitong ganito ang mga nakikita niya sa pelikula—matangkad, kulay blue at white, at may mga naglalakarang tao na matatanaw mo sa transparent corridors ng building. 

“Jusko naman ‘oh, ano ba tong pinapasok ko.” bulong ni Vice sa sarili. Tinapik naman niya ang balikat ni Vhong sa gilid, senyales na dapat na silang pumasok sa building.

==

Unang tapak palang ni Vice sa building, naramdaman agad ng talampakan niya—dahil siya ay naka-tsinelas na may tatak pa ng Tom and Jerry—ang nakakanginig na lamig. Nasanay kasing nakatapak ang kaniyang mga paa sa mainit, basa, at sementadong lupa sa palengke.

Tinitigan niya ang bond paper na hawak niya ngayon na pinilas lamang niya sa isang poste sa lugar nila, dito nakalagay ang impormasyon ng pag-aapplyan niya. 3rd floor, Mr. Tatlonghari office. Liningon niya naman si Vhong sa likod.

“Vhong, sige na mauna ka na. Salamat sa pagsama ha. Nakakaloka, text nalang kita pag natanggap akes.” paalam ni Vice. Binatukan naman siya ng mahina ni Vhong, “Wala kang selpon, ungas. Sige brad, alis na ko.”

Matapos magpaalam ng dalawa sa isa’t isa, hinimas-himas naman ni Vice ang kaniyang batok at napalunok. Tumuloy na siya sa escalator hanggang makarating siya sa pangatlong palapag ng gusali.

Nahilo siya bigla sa pabalik-balik na lakad ng mga tao na may mga hawak na makakapal na papel at folder. Nalula siya sa kahabaan ng mga koridor na nageextend sa bawat dulo ng gusali. Bawat pintong makikita niya, titignan niya ang muna karatula sa taas nito at hahanapin ang pangalang Mr. Tatlonghari. Magkikinse minutos na siyang nagiinikot-ikot sa floor na to ngunit wala parin ang kaniyang hinahanap. Napakamot siya sa inis.

Sa hindi kalayuan, may isang kalbong nasa mid 30’s naman ang pinagmamasdan lang siya. Nakita niya ang job ad ng kaniyang boss na hawak ni Vice.

“Ah eh, mag-aapply ka?” tanong ng kalbo kay Vice habang nakanguso sa bond paper na malapit nang malukot.

“Ay itlog!”

Bagamat nagulat, tumango lang si Vice na bakas parin ang inis.

“Kilala mo ba yung Derik Ramsi? Tsaka wheresung ba itong Mr.Tatlonghari office? Nakakaloka.”

Nag-offer lamang ng handshake ang kalbo kay Vice na tinitigan lamang niya. “Ateng, ako si Derik Ramsi.” natatawang pagpapakilala nito. Huminga naman ng malakas si Vice at tinanggap ang handshake. “Thank goodness!.”

“Kanina pa kitang nasisight dito na palakad-lakad, mag-aapply ka ba bilang personal body guard?” tanong ni Derik habang ipinapakita ang daan papunta kay Mr. Tatlonghari si Vice.

“Korek.” sagot ni Vice ngunit hindi nakatakas sa mga mata niya ang palihim na pagsulyap ni Derik nang mabilisan mula sa kaniyang paa hanggang ulo. Nahiya naman siya bigla.

For Hire |ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon