"YARA KALIA POV"
Sa pagmulat ng mga mata ko, ay kasabay din non ang pagtuklas ko nang katotohanan.
Katotohanan na kailanman hindi ko na siya maabot,dahil sobrang layo na niya sakin.
Unti unti ko narin tinaggap sa sarili na hindi na kami babalik pa sa dati.
Dahil tapos na kami.Tinapos niya na agad ang pagmamahalan namin.Pinutol niya na agad nang ganon lang kadali.
Siguro may mga tao talaga na magaling lang sa una. Puro pangako pero hindi naman tinutupad
Huminga mo na ako nang malalim bago tiningnan ang isang link na nakita ko.
Naka lagay don na in a relationship na sila. Sobrang saya ng mga taga hanga nila samantala ako heto nasasaktan.
Maraming sumosuporta sa kanila at ako heto sinasabihan nang masasama dahil panira daw ako sa relasyon ng idol nila.
Hindi ko maintindihan sa ibang tao kung bakit ang bilis na lamang nilang manghusga.Kahit hindi naman talaga nila alam ang katotohanan.
Ako yung nauna sa kanya, pero sa iba parin pala siya naka takda.
Ako yung nandiyan nang hindi pa siya sikat.Ako yung huminto sa pag-aaral para suportahan siya sa pangarap niya.
Ako yung nag mukhang tanga sa sobrang pagmamahal sa kanya, nakalimutan ko na pala ang sarili ko.
"Ang landi talaga ni Kalia"
"kalia panira ka ng relasyon"
"pokpok"
"kala mo naman talaga papatulan siya ni Kit"
Mabilis na nagsitulo ang mga luha ko nang mabasa ang mga comments nila sa mga picture namin ni Kit nong First year college kami.
Isa isa ko narin dinelete ang mga litrato namin sa Facebook ko dahil lahat ng sinasabi nila edited lang daw yon.
Wala silang ka alam alam na may relasyon kami noon.Nangarap kami na sabay namin aabutin ang pangarap namin.
Siya na abot na niya ang pangarap niya.Samantalang ako hindi pa.
Natawa na lang ako nang mahina nang maalala ang mga pangako niya sakin. Sinungaling.
Ang sakit lang isipin na ako yung nandiyan sa kanya sa tuwing pinag hihinaan na siya ng loob. Ako yung nandiyan sa kanya sa tuwing nagkaka problema siya.
Pero ngayon sikat na siya nakalimutan na niya agad ako. Nakalimutan na niya ang pinagsamahan namin.
Hindi ko mawari bakit may mga tao na ang bilis lang makalimot sa pinag samahan niyo.
Mas lalo lang akong naiyak nang bigla nalang may malakas na kumatok sa pintuan ng Apartment ko. Alam ko na kung sino yon.
Sa pagpasok niya agad niya nilibot ang paningin niya at deritsong tumingin sakin at dali dali akong niyakap.
"Yish"humagulgol kung sabi sa kanya at napangiti dahil alam ko siya lang ang taong hindi ako huhusgahan.
"Sshh stop crying Kalia. And please stop reading their comments they don't know you"Inis niyang sabi kaya napatango tango ako at humiwalay nang yakap.
"Yish"i called her
"Ano? Sabi ko naman sayo na wag mong itigil ang pag-aaral mo para lang sa lalaki na yan!"Naiinis niyang sabi kaya mas lalo lang akong naiyak...
Pati pangarap ko sinuko ko ka-agad para suportahan siya..
Akala ko kasi sabay namin aabutin ang pangarap namin.
