🤝13🤝

390 24 1
                                    

<i dare you..>

13

3rd Person's POV

"Anong di ka papasok?! May exam tayo ngayon!" Singhal ni Jin sa kabilang linya habang busy sa paghahanap ng masusuot si Taehyung. "It's an important matter, Jinnie hyung. I need to fix something." Pagsagot nya dito habang sinusuot ang sweater na napili nya.

"No, Kim. You need to be here after 10 minutes. I swear, I'm gonna tear Jungkook's letters if you'll not go here." Pananakot nito na kinatawa ni Taehyung.

"Hyung!! Just this one." Pagkausap nya dito habang inaayos ang kwintas nya. "Just tell me the reason." Sagot nito.

"Secret." Sabi nya saka mabilis na pinatay ang tawag. Sinadya nyang iwan ang phone nya matapos kunin ang shoulder bag nyang nasa kama. Pinasok nya dun ang isang baby blue na papel saka kinuha ang susi ng kotse nya.

Agad syang napangiti nung tumama ang liwanag ng araw sa mukha nya. "Good morning!" Masayang bati nya sa guard na nasalubong nya na agad namang ngumiti at bumati pabalik.

Patalun-talon syang tumungo sa kotse nya at sumakay dun. Tiningnan nya pa ang sarili nya sa salamin na nasa taas nun bago paandarin ang kotse. Nagmaneho sya papunta sa partikular na lugar na unang beses nyang napuntahan kagabi.

Tumigil muna sya sa isang resto para bumili ng maaring breakfast. Matapos nyang bumili ay tumungo naman sya sa convenience store para bumili ng isang banana milk at strawberry milk. Nilagay nya yun lahat sa tabi nya saka muling nagmaneho.

Nasisiguro nyang isang tao lang ang aabutan nya dun lalo na't examination day nila ngayon. Kaya ganun na lamang ang galit ni Jin nung sabihin ni Taehyung na a-absent sya ay dahil may exam sila ngayon.

Unang araw ng exam nila bago ang christmas break. Pagkatapos ng four days exam ay magkakaroon ng party sa ikalimang araw. Matapos nun ay sembreak na dahil Christmas season na.

Pinarada nya ang kotse nya medyo malayo sa lugar saka naglakad papunta dun. Napayakap pa sya sa sarili nya dahil di pa rin nawawala ang lamig kahit nakasikat naman ang araw.

Nagtago muna sya sa puno at tumingin-tingin sa paligid. Sinisiguro nyang walang bantay o kahit na sinong pwedeng pumigil sa kanya sa pagpasok. Nung makasiguro ay maingat syang naglakad patungo sa harap ng pinto. Huminga sya ng malalim bago nag-doorbell ng tatlong beses. Agad nyang nilusot ang baby blue na papel sa ilalim ng pinto.

NAPATIGIL si Jungkook sa paglalaro ng games sa cellphone nya nung may mag-doorbell. Agad na nangunot ang noo nya dahil di pa naman nag-doorbell kahit kelan ang mga kasama nya sa bahay.

Agad syang tumungo dun para lang makakita ng isang baby blue paper na nasa sahig. Nagtataka nyang pinulot yun at agad na binuksan. Natulala sya ng ilang segundo nung mabasa ang unang dalawang salita.

-Hey, Kookie.

'Oh, fuck. K-Kookie? Isang tao lang ang tumatawag sakin nito..' Mabilis nyang binuksan ang pinto pero wala syang inabutan na kahit na sino. Bumaba ulit ang tingin nya sa sulat at binasa yun.

HEY, BABY (TaeKook Short FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon