🤝11🤝

335 26 1
                                    

<healing..>

(note: the word súīçìd3 will be used a lot in this chapter.)

•11•

3rd Person's POV

"One fuckin month and you can't still find him?!" Sigaw ni Hoseok sa imbestigador na nasa harapan nila. Mabilis syang hinawakan sa balikat ni Yugyeom pero parang di nya kayang kumalma. Habang lumilipas ang bawat oras, araw at linggo ay mas natatakot syang baka wala na talaga si Jungkook.

"We're really sorry, Mr. Jung. Ginawa na po namin ang lahat. Sinuyod na maski pinakailalim na bahagi ng ilog pero wala po talaga. Hinanap na rin namin sya sa mga bahay na malapit dun o sa mga damuhan pero wala pa rin po. Patwad po." Sabi nito kaya nanghihinang umupo sina Hoseok at Yugyeom sa tabi ni Jinyoung na napahinga na lang ng malalim.

"How can I tell this to Tae?" Bulong ni Hoseok matapos paalisin ang mga imbestigador na inupahan nila. Stress syang napahilot sa sintido nya.

"Di ko inakalang dahil lang sa bet ay aabot tayo sa puntong 'to. Kung di lang nawawala si Jungkook ay nabatukan ko na sya at nasipa sa sikmura sa pagiging padalus-dalos nya." Sabi ni Yugyeom.

"Halika na sa uni." Sabi ni Jinyoung saka tumayo mula sa sofa. Nagkanya-kanya sila ng sakay sa kotse ni Jinyoung lalo na't tinatamad na namang magmaneho sina Hoseok at Yugyeom.

"Taehyung will faint again, I swear." Yugyeom mumbled while staring at the car window. Nung malapit na sila sa uni ay umayos na sila ng upo. Nung makarating sila sa parking lot ay nakita agad nilang nakaupo sa bench si Taehyung kasama si Jimin.

Kumakain ito ng sundae pero wala pa rin ang masaya at maliwanag na aura nito gaya ng dati. Nung makababa sila ay agad na lumapit ang dalawa sa kanila.

"Any good news?" Tanong ni Jimin habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Taehyung. Umiling ang tatlo saka nag-iwas ng tingin.

"Hindi talaga mahanap ang katawan nya o alinman sa mga personal na suot nya nung gabing yun. Halos lahat ng magagaling na imbestigador ay naupahan na namin nina Jackson pero wala pa rin." Sabi ni Jinyoung.

Napahinga na lang ng malalim si Taehyung matapos magyuko ng ulo. "I don't want to say this but what if he's really d---" Yugyeom

"Don't fucking continue that." Sabi agad ni Taehyung at tiningnan ng masama si Yugyeom na napataas na lang ng kamay. "O-Okay."

"Let's go, the class will start any minute from now." Jimin said as he pulled Taehyung.

---

HEY, BABY (TaeKook Short FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon